• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Namataang Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef hindi magiging dahilan na maulit ang 2012 Scarborough Shoal standoff- Sec. Roque

KUMBINSIDO ang Malakanyang na ang di umano’y naispatan na Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef (Union Reefs) sa West Philippine Sea ay hindi magiging dahilan para maulit ang 2012 Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc o Panatag) standoff.

 

Higit 200 Chinese maritime militia vessels kasi ang natuklasang namamalaot sa isang bahagi ng West Philippine Sea.

 

Batay sa report ng Philippine Coast Guard, na ipinadala sa National Task Force for the West Philippine Sea, tinatayang 220 maritime militia vessels ng Beijing ang naka-angkla sa Julian Felipe Reef noong March 7.

 

Tiwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na mapipigilan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at China na mangyari muli ang naturang insidente.

 

“I don’t think so po dahil mayroon po tayong malapit na pagkakaibigan. Lahat naman po ay napag-uusapan sa panig ng mga magkakaibigan at magkapit-bahay , ayon kay Sec. Roque.

 

Samantala, ipinaubaya na ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkilos sa usapin nang pagpasok ng nasa 220 militia vessels ng China sa Julian Felipe Reef na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

 

Ang katuwiran ni Sec. Roque, nakatuon ang kanilang pansin sa COVID-19 pandemic.

 

Kinumpirma ni Sec. Roque na naghain na ng diplomatic protest si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, kagabi, Marso 21.

 

“Well, naprotesta na po ‘yan ng DFA matapos makumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Hinahayaan ko muna sa kanila. Nakatutok po tayo sa COVID,”

Other News
  • Tadtad na naman ng diamonds tulad nang nauna: REGINE, ‘di napigilang ipagmalaki ang pa-birthday na singsing ni SHARON

    KITANG-KITA nga ang kaligayahan ni Megastar Sharon Cuneta na muli niyang nakasama si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa naganap na presscon para sa pagbabalik ng Iconic concert.     Sa IG post ni Mega, “After 3 long years I finally got to see and spend time with my beloved Nana (Regine) yesterday during the presscon […]

  • Kai Sotto excited na makasama si Kobe Paras

    Excited na si NBA prospect Kai Sotto na makasama sa workout si Kobe Paras sa East West Private (EWP).     Kamakailan lamang, pumasok si Paras sa EWP na siyang tutulong sa kanyang basketball career.     At isa si Sotto sa mga lubos na natuwa sa naging desisyon ni Paras.     Nais ni […]

  • Navotas humakot ng multiple awards sa exemplary governance

    ISA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga lokal na pamahalaan na nanguna sa 2024 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR).   Ito’y matapos makatanggap ang Navotas ng Highly Functional rating para sa Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children and Anti-Drug Abuse […]