Nangakong hindi na ito mauulit… Sen. ROBIN, nag-sorry na sa Senado sa pagpapa-IV drip ni MARIEL
- Published on February 28, 2024
- by @peoplesbalita
PINUTAKTI at kaliwa’t kanan ang natanggap na batikos nang ginawang pagpa-IV drip ng asawa ni Sen. Robin Padilla na si dating host at aktres Mariel Padilla.
Paliwanag pa agad ni Mariel na hindi raw naman niya sinadya ang naturang pangyayari.
Nataon lang daw kasi na doon siya inabot sa opis ng kanyang asawang senador at may mahalaga siyang pupuntahan kung kaya late na raw siya sa naturang appointment. “Drip anywhere is our motto! Hehehe I had an appointment… but was going to be late so I had it done in my husband’s office, hehehe!” Bahagi pa ng post ni Mariel. Wala na rin naman ang naturang post at larawan, binura na ito ng aktres sa kanyang Instagram account. Dagdag paliwanag pa rin ni Mariel na hindi raw siya naman nagmimintis sa pagpapa-drip (ng Vitamin C at hindi raw Glutatione) dahil sa nakikita niyang magandang benepisyo nito sa kanyang katawan. Agad namang humingi ng paumanhin si Sen. Robin matapos itong mag-viral. “Nakakatawa naman po ang isyu na yan, my goodness. Kung may nakita po silang masama sa larawan na yan, paumanhin po,” pahayag pa ni Robin. Dagdag pa rin ng senador na wala raw namang intentions of disrespect ang viral picture na yun ng asawa niya. “No intention of disrespect. My life loves to promote good looks and good health,” sey pa ng senador.
Nag-apologize din si Senator Robin Padilla kina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Nancy Binay, na chairman of the Senate Committee on Ethics and Privileges.
At noong Lunes, Pebrero 26, sumulat din si Sen. Robin sa opisyal ng Senado na sina Senate’s Medical and Dental Bureau chief Dr. Renato DG Sison and Senate Sergeant-at-Arms retired Lt. Gen. Roberto Ancan.
Sa naturang liham ay nagpaliwanag at nag-sorry ang aktor/politiko hinggil sa kontrobersyal na drip session ng asawa sa kanyang opisina.
“Ang liham pong ito ay upang ipaabot ang aking paghingi ng paumanhin sa pangyayari noong ika-19 ng Pebrero, 2024 patungkol sa pagsasagawa ng Vitamin C Intravenus Drip ng aking maybahay sa loob ng aking tanggapan dito sa Senado,” pahayag ni Sen. Robin
“Kailanman po ay hindi ko naisip na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na alituntunin ukol sa seguridad ng Senado, lalo’t higit ang hindi pagbibigay-galang sa ating institusyon.”
Sa kanyang liham kay Dr. Sison ay sinabi naman ni Sen. Robin na wala raw intensyon ang asawa na labagin ang umiiral na patakaran sa Senado.
“Nais ko pong bigyan ng diin na wala pong intensyon ang aking maybahay na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na patakaran ng Medical Bureau,” pahayag pa niya.
Nangako rin ang esposo ni Mariel na hindi na raw ito mauulit.
(JIMI C. ESCALA)
-
PDu30, pumalag sa isyu na kinokontrol siya ni Sen Bong Go
TUWIRANG sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi siya kailanman kinokontrol ni Senator Christopher “Bong” Go. Ito ang tugon ni Pangulong Duterte sa naging pahayag ni presidential aspirant at dating Army officer Lieutenant General (ret.) Antonio Parlade Jr. na si Go ay bahagi ng problema ng bansa at kino-kontrol nito ang mga desisyon ng […]
-
Pacquiao No. 3 sa world ranking
Pasok si Manny Pacquiao sa Top 3 sa world ranking ng welterweight division ng pamosong Ring Magazine. Hawak ng eight-division world champion ang No. 3 spot sa ilalim ng nangungunang si unified World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) champion Errol Spence Jr. nasa unang puwesto. Nakaupo naman sa […]
-
Kinilig nang makapasok sa ABS-CBN: Say ni ROCHELLE kay COCO, yumaman lang pero ‘di nagbago
HINDI maitago ng Kapuso star na si Rochelle Pangilinan ang labis na kasiyahan at pagkakilig na nakapasok at nakatuntong siya sa loob ng ABS-CBN. Isa si Rochelle sa cast ng 2022 MMFF entry ng Star Cinema na “Labyu with an Accent” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria. […]