• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naniniwala na may competition kahit saan: BILLY, open pa rin sa possibility na mag-work sa alinmang noontime shows

OPEN pala si Billy Crawford sa possibility na magtrabaho sa alinmang noontime shows ngayon na umeere sa magkakaibang TV networks.  

 

 

Huling noontime show ni Billy ay “Tropang LOL” ng Brightlight Productions.

 

 

Ongoing noontime shows ngayon ay “It’s Showtime” ng Kapamilya Network sa GTV at A2Z, “Eat Bulaga” sa GMA-7 at “E.A.T.” sa TV5.

 

 

“Happy lang ako dahil gumagalaw ang industriya natin,” sabi ni Billy.  “TV is back. Medyo prior to pandemic, it was hard, nung nag-pandemic, a percentage of our viewers nawala.

 

 

“So, everything was online based.  Sa totoo lang, kung makakapunta ako sa ‘Showtime,’ makakapunta ako sa ‘Eat Bulaga,’ kasi yun yung promotions namin para sa mga projects namin.”

 

 

Dating host si Billy ng “It’s Showtime” at umalis lamang siya in 2018, nang kinasal sila ng wife niya ngayong si Coleen Garcia na co-host din niya noon.

 

 

So, bukas ba siyang makabalik sa show?

 

 

“Well, I really have no idea, but I go where work takes me.  To be honest with you, kung saan ang trabaho, doon ako.”

 

 

Masaya si Billy sa sinabi ni Atty. Felipe L. Gozon, CEO ng GMA, na “TV was over,” matapos ang historic deal for “It’s Showtime” airing on GTV na pag-aari ng GMA.

 

 

Pero naniniwala si Billy na there will always be competition kahit saan.  Ang panalo dito ang mga viewers.  I-enjoy lamang nila ang moment because it’s a milestone for all TV platforms.

 

 

Totohanan na nga ang pagbabalik ni Billy sa GMA Network matapos silang mai-launch nina Chito Miranda, Julie Anne San Jose, at SB19 Stell Ajero, bilang coaches ng singing reality competition na “The Voice Generations,” hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Masaya si Billy sa kanyang pagbabalik sa GMA-7 dahil dito siya nanggaling.

 

 

“Kay Kuya Germs (German Moreno) in 1986 sa “That’s Entertainment.”  I started when I was three and then at four years old, nag-“That’s Entertainment” na ako.

 

 

“So, ito na yung bahay ko, it only changed aesthetics wise, pero yung soul, yung pakiramdam, nandito pa rin1  Napakalamig pa rin sa mga studio dito sa GMA.”

 

 

Ang “The Voice Generations” ay magsisimula nang mapanood sa Sunday, August 27, 7:15 p.m. sa GMA-7.

 (NORA V. CALDERON)

Other News
  • P750 national minimum wage, iginiit

    KASUNOD na rin ng 5.4% inflation rate at pagtaas sa presyo ng  pangunahing bilihin, nanawagan ang Anakpawis Partylist sa kongreso na ipasa ang P750 National Minimum Wage bill na inihain ng Koalisyong Makabayan.     Una ng tinuligsa ng grupo ang pinakahuling P33 wage increase na anila ay hindi sapat para punan ang P51 lost […]

  • Gobyerno, handang magbenta ng iba pang ari-arian sa Japan

    MAAARING magbenta ng iba pang ari-arian ang pamahalaan maliban real estate assets sa Japan kung kakailanganin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang maraming pondo para sa mga pangunahing programa nito.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang dapat na ikabahala ang publiko dahil tinitiyak naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat […]

  • PRIDE FESTIVAL, MATAGUMPAY NA NAIDAOS SA QUEZON CITY

    MATAGUMPAY na naidaos ang Pride Festival ngayong taon na ginanap sa Quezon Memorial Circle nitong nakaraang Sabado.     Ayon sa ulat ng Quezon City local government unit, umabot sa 110, 752 na myembro ng LGBTQIA+ ang dumalo sa nasabing pagdiriwang. Ang nasabing bilang ay ayon na rin sa foot traffic data na nairecord ng […]