Naoya Inoue binakante ang kanyang mga World Bantamweight Titles
- Published on January 16, 2023
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ni Japanese pound-for-pound superstar Naoya Inoue na babakantihin ang kaniyang WBC, WBA, WBO at IBF world bantamweight titles.
Ito ay dahil balak niyang umakya sa 122-pound division ngayon taon.
Ayon kay Inoue na wala ng challenge sa 118-pound division.
Ang nasabing hakbang ay nangangahulugan na mayroong tsansa ang ilang mga Filipino boxers na sina Vincent Astrolabio, Jerwin Ancajas at Reymart Gaballo para makuha ang binakanteng titulo.
Mayroong record si Inoue na 24 panalo at walang talo na mayroong 21 knockouts bilang professional boxer.
Naagaw niya ang WBC bantamweight world title ng patumbahin niya si Nonito Donaire Jr noong Hunyo 2022. (CARD)
-
Mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad, magbubukas para sa isasagawang job fair kasabay ng Labor Day
AABOT sa mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad ang magbubukas kasabay ng pagdiriwang ng Labor day sa Mayo 1. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa kabuuang 52,237 trabaho para sa local employment habang nasa 12,248 job vacancies naman sa iba’t ibang bansa. Ilan sa pangunahing bakanteng […]
-
Dahil sa work kaya sila nagkahiwalay: ASHLEY, nahirapang maka-move on sa breakup nila ni Mayor MARK
HINDI ipinagkaila ng Sparkle 10 star na si Ashley Ortega na nahirapan siyang maka-move on sa naging breakup nila ng ex-boyfriend na si Lucena City Mayor Mark Alcala. Pero marami naman daw natutunan si Ashley sa breakup na iyon. Mas natutunan daw niyang mahalin ang sarili niya. “Aaminin ko […]
-
Hamon sa ABS-CBN: 11,000 empleyado, gawing regular
Hinamon ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap ang pamunuan ng ABS-CBN na gawing regular lahat ng nasa 11, 000 empleyado ng nasabing kumpanya para patunayan na pinapangalagaan nito ang kapakanan ng kanilang mga trabahador. Ito ang naging pahayag ni Yap kasunod ng mga isyu na kinahaharap ng ABS-CBN ukol sa kanilang franchise at […]