• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Napa, 3 iba pa kabyos sa Summer Olympic Games

MINTIS ang tatlo katao pambato ng bansa na nakipag-agawan sa dalawang puwesto para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na na-move lang sa parating na Hulyo 23-Agosto 8.

 

 

Sa pagwawakas ito ng 2021 Mussanah Open Windsurfing Championships-Asia Olympic Qualifer sa Millennium Resort sa Oman.

 

 

Pumangalawa si Charizzanne Jewel Napa sa RS:X women’s division na pinamayagpagan ni Amanda Ng Ling Kai ng Singapore na may 15.0 points laban sa 18.0 ng Pinay upang pumalaot sa quiadrennial sportsfest.

 

 

Sawimpalad din ang pumangalawang si Yancy Kaibigan (31.0) at pumangatlong si Geylord Coveta (56.0) sa RS:X men’s division na kinopo ni Natthapong Phonopparat ng Thailand na naka-14.0 markers sa 12 races din. (REC)

Other News
  • Duterte-Duterte ticket sa Eleksyon 2022, walang pag-asa- Sec. Roque

    WALANG pag-asa na magkaroon ng Duterte-Duterte ticket sa Eleksyon 2022.   Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung pagbabasehan ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘out’ na sila ni Senador Bong Go kapag nagdesisyon ang kanyang anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-pangulo sa halalan sa susunod na […]

  • Face masks, vaccine card ‘di na kailangan sa tourist spots – DOT

    HINDI  na kailangang magsuot ng face masks at magpakita ng patunay ng vaccination ng mga taong nagtutungo sa mga tourist spots sa bansa.     Ayon sa Department of Tourism (DOT), bahagi ng liberalisasyon sa mga restriksyon sa COVID-19 ang pagluluwag sa “health and safety guidelines” upang mas mapalakas pa ang pagdating ng mga turista […]

  • May 7,000 erring motorcycle riders sinita

    Sinita ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit sa 7,000 na motorcycle riders dahil sa hindi pagtupad sa regulasyon tungkol sa backriding na ipinatutupad ng IATF simula ng payagan ng pamahalaan ang ganitong klaseng transportasyon sa ilalim ng GCQ.   Marami sa mga backriding couples ay hindi sumusunod sa paglalagay ng barriers sa pagitan ng […]