• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Napangiti nang mapanood ang TikTok video: ALFRED, happy na naging bahagi sa ‘awakening’ journey ng isang t

NAKATUTUWA ang post ng isang Tiktoker tungkol sa butihing Konsehal ng Quezon City na si Alfred Vargas. 

 

 

Ibinuking kasi nito kung paano siya nagkaroon ng awakening sa pagkatao niya.

 

 

Ayon kay Tiktoker McCartney na nag-post ng isang video gamit ang kanyang account na mccartnetcale, malaking bahagi ng kanyang awakening ang Walker billboard ni Alfred na nakaputing brief, nakikita noon sa may Guadalupe, Edsa.

 

 

Noong 2006, gumawa ng coffee table book si Alfred at gumawa ng mapanuksong pictorial para sa men’s undergarment na Walker na talaga namang makalaglag panty at pinag-usapan talaga noon sa local entertainment scene.

 

 

Kuwento pa ni McCartney, “‘Noong bata ako, alam ko nang hindi ako straight. Kasi ‘yung awakening ko, artista. And alam ninyo kung sino? Si Alfred Vargas.

 

 

“Si Alfred Vargas na nakita ko ‘yung billboard niya along Guadalupe. Alfred Vargas in underwear.

 

 

“Noong dumaan kami roon, parang, ‘oh. Oh s—t. I’m feeling things.Wow!

 

 

“And sobrang funny kasi from then on, tumatak na siya sa isip ko, like nai-imagine ko pa, I think white pa ata ‘yung underwear niya noon.

 

 

“Basta delicioso. Yum yum yum.”

 

 

Ikinatuwa naman ito ni Alfred nang mapanood ang naturang Tiktok video.

 

 

Pahayag pa ni Alfred, “Pinanood ko ‘yung buong video at napangiti ako at natuwa ako kasi mayroon pala akong ganoong positive effect sa kanya. Happy ako kasi naging bahagi pala ako sa “awakening” journey ng isang tao. In fairness, parang model-looking siya na may pagka-artistahin?

 

 

“So, mataas pala ang standards niya sa looks ah? Pumasa ang WALKER Underwear Billboard ko (more than ten years ago) sa taste niya wow ah! Hahahahaha

 

 

“Seriously, I’m happy for “mccartney.”  I hope maging inspiration din siya sa iba na still finding courage and support sa identity nila because whoever you are, kahit sino ka pa, you are someone to be loved, someone who can dream and reach your dreams, someone to be respected, and someone who can have the same opportunities in life just like everybody else.”

 

 

Sabi pa ng aktor/politiko na, “Importante itong “awakening” para sa ating lahat because it’s part of loving ourselves. We can only truly love ourselves and others if we truly love who we really are.”

 

 

Winner na winner si Alfred sa ginawang pagpapasalamat sa Tiktoker at nangako pang maghahanap ng kopya ng coffee table book, pipirmahan at saka ibibigay.

 

 

“Thanks for this, Mccartney. Nakakuha ka ba ng WALKER coffee table book ko dati? If not, try ko maghanap and bigay ko sa ‘yo personally signed copy.”

 

 

Anyway, bagamat nakilala noon si Alfred sa paggawa ng mga sexy film, nag-transform naman ito sa pagiging seryosong actor.

 

 

Sa edad 25, isa na siya sa kinilala bilang prized leading men at matinee idol ng GMA 7 at nabibigyan ng mga meaty role sa ilang major soap opera tulad ng Muli at Impostora noong mga panahong iyon.

 

 

Katatapos lang niya ng afternoon series na ‘Unica Hija’ at soon mapapanood naman siya sa ‘AraBela’.

 

 

At hanggang ngayon, patuloy na kinikilala si Alfred bilang isang magaling at seryosong aktor.  Next month ay magsisimula na silang mag-shooting ng ‘Pieta’ na kung saan makakasama niya sina Superstar Nora Aunor at Gina Alajar, na mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

 

 

Kung ilang beses na ring kinilala ang galing niya sa pagganap at ang pinakahuli ay ang nang tanghalin siyang Best Actor sa FAMAS sa pelikulang Tagpuan noong 2020.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • “BLACK ADAM” UNVEILS NEW COMIC CON SNEAK PEEK

    “YOU can be the destroyer of this world, or you can be its savior.”      Check out the Comic Con Sneak Peek of “Black Adam” below and watch the film in cinemas and IMAX across the Philippines starting October 19.     YouTube: https://youtu.be/kV17aDgRJ04   Facebook: https://fb.watch/erZKNmi_Cc/   About “Black Adam”     From New Line Cinema, Dwayne […]

  • PBA lalayasan ng players; lilipat sa ibang bansa

    Dapat na umanong kabahan ang Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa pagpili ng ilang manlalaro na dalhin ang kanilang talento sa abroad kaysa maglaro sa liga.   Ito ang malaking hamon  sa  pamunuan ng PBA matapos pumirma bilang import sa Japan si Thirdy Ravena kaysa  lumahok sa PBA draft.   Sa ngayon, maraming bansa sa Asya ang nagbibigay ng offer sa mga […]

  • Ads March 21, 2024