• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nasa 600-K DepEd personnel, magsisilbi sa Halalan 2022

NASA 600,000 na mga tauhan ng Department of Education (DepEd) ang nakatakdang magsilbi para sa nalalapit na Halalan 2022.

 

 

Ayon kay DepEd Director Marcelo Bragado Jr., mas mataas ito kumpara sa bilang ng mga DepEd personnel na nagserbisyo noong nakaraang eleksyon noong taong 2019.

 

 

Paliwanag niya, ito ay sa kadahilanang nadagdag pa raw ng clustered precinsts ang Commission on Election (Comelec) matapos na madagdagan pa raw ang bilang ng mga rehistradong botante sa bansa.

 

 

Sa datos ay mayroong 106,000 na clustered precints na gagamitin pa ra sa darating na eleksyon sa bansa, habang nasa kabuuang 319,317 naman ang bilang ng mga guro na magsisilbi bilang bahagi ng electoral boards, habang ang iba naman ay mga non-teaching DepEd personnel na magsisilbi naman bilang mga supervising officials. support at technical support staff at bilang boards of canvassers na rin.

 

 

Kung maaalala noong 2019 ay nasa 531,000 ang kabuuang bilang ng mga DepEd personnel na nakibahagi sa pagbibigay serbisyo para sa naging halalan noong panahon na iyon. (Daris Jose)

Other News
  • Grassroots sports sa bansa tampok sa PSC-NSS ngayon

    KAILANGANG masigla ang grassroots sports sa bansa para sa ikatatagumpay sa Summer Olympic Games ang magiging tampok sa ikatlong sesyon ng Philippine Sports Commission (PSC) National Sports Summit 2021 ngayong Huwebes, Pebrero 11.     Ibubunyag ng PSC ang mga programang nakapokus para sa mga baguhang  atleta bilang pundasyon tungo sa pagiging pinakamahuhusay sa elite […]

  • Asian Youth Games sa China iniurong na sa 2022

    Ipinagpaliban ng organizers ang Asian Youth Games sa Disyembre 2022 dahil sa COVID-19 pandemic.     Gaganapin sana sa buwan ng Nobyembre ngayong tao sa Shantou City, Guangdong province.     Ayon sa Shantou government department na siyang nangangasiwa sa nasabing sports affairs na pinapahalagahan nila ang kaligtasan ng mga dadalo kaya minabuti na iurong […]

  • Sekyu pinagsasaksak ng 2 kainuman, kritikal

    Nasa kritikal na kondisyon ang isang security guard matapos pagsasaksakin ng dalawang factory workers makaraan ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.   Kasalukuyang inoobserbahan sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang si Kevin Navarro, 28 ng 290 Magat Salamat St. Brgy. Daanghari.   […]