• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NASAGI SA BALIKAT, TRUCK DRIVER, NANAKSAK NG 5 KATAO

SUGATAN ang limang indibidwal kabilang ang isang babae nang mistulang naghuramentado ang isang lasing na  truck driver matapos na nagtalo dahil lamang sa nagkasagian ng balikat sa Tagaytay City Huwebes ng gabi.

 

 

Isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang  biktimang sina   Jorgie Bagay y Legaspi, (babae), 41; Jan Rishan Fajardo y Cortez, 19; Ron Justine Bagay y Legaspi, 19; Francis Aala y Anacay, 19; at Cedrick Javier y Delos Reyes,  18, pawang residente ng Brgy Kaybagal, Tagaytay City; dahil sa tinamong sugat sa katawan mula sa saksak ng suspek na si  Silvestre Pelayo y Tiquin,  41, isang truck driver.

 

 

Sa ulat ni PSSgt Archie Paclibar ng Tagaytay City Police, alas-9:45 kamakalawa ng gabi habang kapwa naglalakad ang suspek at Javier sa Purok 63, Brgy Kaybagal Central, Tagaytay City nang nagkasigaan ang kanilang balikat.

 

 

Dahil nakainum ang suspek, nagalit at kinompronta nito si Javier at dahil malapit lang ang bahay ng kaibigan na pupuntahan nito, nagsumbong ang huli  kaya  sumaklolo ang apat.

 

 

Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga biktima at suspek  hanggang sa nauwi sa suntukan at dahil may dalang balisong ang suspek, mistulang naghuramentado ito at iwinasiwas sa mga biktima na dahilan ng kanilang mga  sugat.

 

 

Matapos lapatan ng lunas sa ospital, pinauwi rin ang mga biktima dahil hindi naman malala ang kanilang mga sugat  bukod kay Jorgie habang ang suspek matapos na nagtago ay kusang loob din  sumuko sa awtoridad. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Mga canned sardines manufacturers, nais ang P3 na price hike

    INIHIRIT ng mga manufacturers ng canned sardines ang P3.00 na price adjustment sa kanilang produkto dahil sa pagtaas ng presyo ng diesel, paghina ng piso, at pagtaas ng presyo ng mga imported na lata na ginagamit sa paggawa ng mga lata.     Sinabi ni Canned Sardines Manufacturers Association of the Philippines executive director Francisco […]

  • MM Mayors, pinayagan ang religious gatherings ng 30% capacity

    SINABI ng Inter-Agency Taks Force (IATF) na pinapayagan ng Metro Manila Council ang religious gatherings sa 30% vanue capacity.   Nauna nang pinayagan ng IATF anag religious gatherings ng 10% ng venue capacity sa ilalim ng General Community Quarantine “with heightened restrictions.”   Sa kabilang dako, binigyan naman ng diskresyon ang Local Government Units (LGUs) […]

  • Ryan Gosling & Emily Blunt’s On-Screen Reunion in “The Fall Guy”

    GET ready for ‘The Fall Guy’ with Ryan Gosling and Emily Blunt, a high-octane homage to Hollywood’s unsung heroes, coming to Philippine cinemas!     Hollywood’s glitz often overshadows the gritty, heart-thumping world of stunt performance—until now. “The Fall Guy,” featuring the dynamic duo of Ryan Gosling and Emily Blunt, is ready to catapult audiences […]