Nasalanta ni ‘Goring’ umakyat sa 196,900 katao; isa nawawala
- Published on September 1, 2023
- by @peoplesbalita
UMAKYAT na sa 196,926 ang bilang ng mga residenteng apektado ng Super Typhoon Goring mula sa pitong rehiyon sa Luzon na apektado nito.
Ayon ito sa isang ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kung saan binanggit na 56,410 ang bilang ng mga pamilyang apektado ng super typhoon.
Mula rin sa bilang ng mga pamilyang lumikas, naitala rin ang sumusunod:
Lumikas: 48,997
Nasa loob ng evacuation centers: 35,095
Nasa labas ng evacuation centers: 13,902
Ang mga naitalang apektadong populasyon ay nagmula sa mga sumusunod na rehiyon:
Ilocos Region
Cagayan Valley
Central Luzon
CALABARZON
MIMAROPA
Western Visayas
Cordillera Administrative Region
Mas mataas ito sa naitala kahapon na 63,565 residente mula sa 19,370 pamilyang apektado ng super typhoon.
Wala pa ring naitatalang namatay o sugatan ang NDRRMC ngunit iniimbestigahan ang posibleng pagkawala ng isang tao sa Western Visayas.
Umabot na rin sa 134 ang bilang ng mga bahay na napinsala at nawasak dulot ng masamang panahon.
Sa huling weather bulletin na inilabas ng PAGASA, namataan ang Super Typhoon Goring sa 90 kilometro kanluran timogkanluran ng Basco, Batanes at kumikilos patungo sa hilagang bahagi ng West Philippine Sea.
-
Ads May 31, 2021
-
PUBLIKO, BINALAAN NG DIOCESE OF NOVALICHES LABAN SA SCAMMER
NAGBABALA ang Diyosesis ng Novaliches sa mga mamamayan kaugnay sa scammer na nagpapakilalang seminarista upang makakuha ng mga donasyon. Sa inilabas na pahayag ng diyosesis umiikot sa komunidad ng Commonwealth sa Quezon City partikular sa Kristong Hari Parish at Parokya ng Mabuting Pastol ang nagpakilalang John Michael Castillo upang humingi ng tulong pinansyal […]
-
7 MILYON DEACTIVATED NA BOTANTE, PINAPAREHISTRO SA COMELEC PPCRV
HINIMOK ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botante na deactivated na ang kanilang voters registration na muling magpatala sa Commission on Elections (Comelec). Partikular na hinikayat ng PPCRV ang mga hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan lumipat ng tirahan nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na […]