Nasasaktan sa tuwing tinatawag siyang ‘bobo’: HERLENE, na-realize na mahalin muna ang sarili bago ang ibang tao
- Published on March 13, 2025
- by Peoples Balita
MAY dalawang taon tumigil sa pag-arte si Kris Bernal nang manganak sa first baby nila ng asawa niyang si Perry Choi na si Hailee Lucca noong August 2023.
“For 18 years, I dedicated my life to showbiz and then akala ko ‘di na ‘ko makakabalik pero very thankful ako na hanggang ngayon kino-consider pa rin nila ako, may naniniwala pa rin.”
Matapos ang two-year hiatus, nag-guest si Kris sa Tadhana para sa tatlong episode nito. Mapapanood si Kris sa dalawa pang episode ng weekly drama anthology sa March 15 at March 22.
“Akala ko ‘di na ‘ko marunong umarte, ‘yun ang takot ko. Ayoko tanggapin at first kasi sabi ko, ‘Shocks, marunong pa ba ako umarte?’ Tapos syempre ‘pag bumalik ako parang feeling ko mas mataas ‘yung expectation ng mga tao na dapat magaling ka pa rin umarte.”
Hanggang ngayon ay breastfeeding pa rin si Kris. Kung kailangan siya ng isang taong gulang niyang anak, hindi isyu kung titigil muli siya sa pag-arte dahil prayoridad pa rin niya ito.
“Okay lang ako, wala sa akin ‘yun. Kung kailangan kong i-sacrifice ‘yung sarili ko for breastfeeding, sige. Pero at least ngayon, somehow I can say na nakabalik na ako. Kumbaga parang I’m back to my old self.”
***
INAMIN ni Herlene Budol na nasasaktan siya
tuwing tinatawag siyang ‘bobo’ ng mga tao.
Ginagamit na lang daw niya iyon para patunayang puwede pa niyang pagbutihin ang sarili.
“Masakit po ‘yung tawagin kang bobo. Ikaw ba naman sabihan ka ng bobo, harap-harapan, comment, behind your back, talagang sinasabi po sa ‘kin, ang bobo ko. Pero nito ko lang na-realize na hindi lang po pala ako ‘yung bobo dito. Marami tayo, tanggapin n’yo lang,” sey ng bida ng ‘Binibining Marikit.’
Aminado si Herlene na marami pa siyang hindi alam kaya hinikayat niya ang mga tao na turuan siya sa mga bagay na iyon, at ipinangakong tuturuan din niya ang mga ito ng mga bagay na alam niya.
“Kung dati ay pinapatulan ko halos lahat ng mga pang-aasar at pangmamata sa akin, ngayon ay mas pinipili ko na ang mga laban. Mas nag-mature na ako para malaman na hindi dapat lahat ay kailangan patulan. Sayang naman po ‘yung pag-gain ko ng respeto sa sarili ko.”
Importante pa raw kay Herlene na mas mahalin muna ang sarili bago ang ibang tao.
***
NADAGDAGAN ulit ang maraming kaso ng American rapper-producer na si Sean “Diddy” Combs.
This time ay dagdag ang “physical violence and forced labor against his employees.”
Sa documents na nakuha ng TMZ, ang laman nito ay: “Diddy and his associates maintained control over certain employees of the Combs Business, whom he forced to work long hours with little sleep, thrase of, among other things, physical force, psychological harm, financial harm, and reputational harm, and/or threats of the same.
“The employees felt they would be threatened with job loss and harm if they didn’t comply with his demands. Physical force and threats were used to coerce an employee to “engage in sexual acts” with the rap mogul. On multiple occasions, Combs threw both objects and people, as well as hit, dragged, choked, and shoved others.”
Nakakulong si Diddy in Manhattan’s Metropolitan Detention Center, awaiting a May 2025 trial after pleading not guilty. Higit na 150 lawsuit ang kanyang haharapin mula sa sexual misconduct, rape, drug-facilitated sexual assault, child sexual abuse and sexual harassment.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, tuluyang nang sinibak ni PDu30
TULUYAN nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro. Si Mauro ay nahaharap ngayon sa maraming kaso dahil sa pananakit sa sarili nitong kasambahay na makikita sa ilang CCTV footages na isinapubliko ng Brazilian media. Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na […]
-
‘70s at ‘80s pa nauso sa Hollywood at local actors: CARLOS, pinagtanggol ng netizens sa pagsusuot ng ‘crop top’
PINAGPIYESTAHAN nga ng bashers ni Carlos Yulo ang pagsuot nito ng crop top habang nagbabakasyon sa Seoul, South Korea. Impluwensya daw ito ng girlfriend niyang si Chloe kaya pati damit na pambabae lang daw ay sinusuot nito. Pero pinagtanggol ang double Olympic Gold medalists ng maraming netizens dahil wala raw masama sa pagsuot […]
-
Kagyat na tugunan ang terorismo, cybercrime
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong hinirang na Philippine National Police (PNP) chief Major General Rommel Francisco Marbil na tulungan ang gobyerno na tugunan ang mga sumusulpot na banta sa kapayapaan at kaayusan sa bansa. Sa isang seremonya para sa PNP change of command na idinaos sa Camp Crame, Quezon City, […]