Nasita sa city ordinance, binata buking sa shabu
- Published on December 13, 2022
- by @peoplesbalita
KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang binata matapos makuhanan ng shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paglabag sa city ordinace sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela police Sub-Station 2 Commander P/Major Randy Llanderal ang suspek bilang si Christian Santiago, 30, construction worker ng 6111 Lower Tibagan St, Gen. T. De Leon.
Sa isinumiteng report ni PSSG Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-12:45 ng hapon, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng SS2 sa kahabaan ng FJ.E Fama Street, Brgy. Gen. T. De Leon nang makita nila ang suspek na walang suot na damit na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.
Nang lapitan ng mga pulis para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay kumaripas ng takbo ang suspek na naging dahilan upang habulin siya ni PCpl Roland Gicar at Pat Allan Caballero hanggang sa makorner.
Nang kapkapan, nakumpiska sa suspek ang dalawang small heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 0.2 grams ng hinihinalang shabu na nasa P1,360 ang halaga at isang lighter.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agent of Such Person) at RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
P70-B inilaan para sa pagbili ng COVID-19 vaccines
Inaprubahan na ng House at Senate contingent sa bicameral conference committee ang reconciled version ng P4.5-trillion proposed 2021 national budget. Target ng dalawang kapulungan ng Kongreso na ratipikahan sa plenaryo mamayang hapon ang bicam report sa panukalang pondo para sa susunod na taon. Pinangunahan nina House Committee on Appropriations Committee chairman Eric Yap […]
-
Duterte naiinip na sa bakuna
Naiinip na si Pangulong Rodrigo Duterte sa paghihintay sa pagdating ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas, ayon sa Malacañang. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagsalita na mismo ang Pangulo na naiinip na siya at inaasahan niyang mas magiging mabilis na ang lahat ng mga naatasan kaugnay sa mga kukuning bakuna ng gobyerno. […]
-
Navotas LGU humakot ng maraming awards
HUMAKOT ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng maraming parangal mula sa iba’t ibang ahensya bilang pagkilala sa mga natatanging tagumpay nito sa iba’t ibang kategorya. “These commendations attest to our dedication to delivering the best services for the benefit of Navoteños. We are grateful and honored that our efforts have been acknowledged. We […]