• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nasita sa face mask, babae kulong sa shabu sa Valenzuela

BALIK-SELDA ang isang 47-anyos na babae matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Sub-Station 6 commander P/Lt. Armando Delima ang naarestong suspek na si Rowena Bularon, 47 ng Urrutia St., Brgy., Malanday.

 

 

Sa report ni PSSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, habang nagsasagawa ng anti-criminality operation sa Urrutia Street ang mga tauhan ng SS6 sa pamumuno ni PSMS Roberto Santillan, kasama si Pat Michael Cedric Patac at mga Tanod ng Brgy. Malanday sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Delima nang sitahin nila ang suspek dahil walang suot na face mask na malinaw na paglabag sa city ordinance.

 

 

Nang lapitan ni PSMS Santillan para isyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay pumalag at tinangkang tumakbo ng suspek para tumakas subalit, kaagad din naman siyang naaresto ng mga pulis.

 

 

Narekober ni PSMS Santillan sa kamay ng suspek ang hawak niyang pitong transparent plastic sachets na naglalaman ng tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200, disposable lighter at dalawang plastic candy.

 

 

Ani PSMS Santillan, dati ng nakulong ang suspek dahil din sa ilegal na droga at nareb ng sampung buwan subalit, bumalik na naman aniya sa ilegal na gawain.

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag Article 151 of RPC at RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • DepEd: Late enrollees tatanggapin

    SINIGURO ng Department of Education (DepEd) na kaagad tatanggapin ang late enrollees.   “Once registered on Monday, learners will get accepted right away,” ayon kay DepEd Undersecretary for Planning Jesus Mateo.   Ngunit ayon kay Mateo na maghihintay pa ang mga ito ng tagubilin sa guro upang isaayos ang kanilang gagamitin.   Ayon sa ahensya, […]

  • Pinoy boxer Jerwin Ancajas, bigong mabawi ang IBF crown matapos muling natalo kay Argentinan undefeated boxer

    NAPANATILI ng undefeated boxer Fernando Martinez ang kanyang International Boxing Federation junior bantamweight title matapos muling payukuin ang dating champion na si Jerwin Ancajas.   Naidepensa ni Martinez ang koronang kanyang naagawa kay Ancajas noong Pebrero sa pamamagitan ng scores na 119-109, 118-110 at 118-110 sa championship rematch sa Carson, California.   Dahil dito, napaganda […]

  • Na-consider na mag-judge sa ‘Miss Universe 2023’: BOY, na-disqualified dahil in-interview si MICHELLE sa show

    SA afternoon program ni Boy Abunda na “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA-7, last Tuesday, ipinahayag niya na na-consider siya para makabilang sa panel of judges sa katatapos na Miss Universe 2023 sa El Salvador.       Pero na-disqualified siya dahil sa latest interview niya kay Michelle Marquez Dee sa kanyang talk show.     […]