• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Natakot din sa kalalabasan ng test results: LUIS, na-clear na sa sakit na cancer

NA-CLEAR na sa sakit na cancer si Luis Manzano.

 

 

 

Pagkatapos na napansin ng hairstylist ni Luis na may bukol ito sa ulo, agad na nagpakonsulta at sumailalim sa biopsy ang TV host.

 

 

 

“May kailangan i-biopsy dito sa taas ng ulo ko. Parang ang biopsy kung ‘di ako nagkakamali ay i-check kung cancerous or not or kung malignant or benign,” ayon kay Luis sa kanyang latest vlog.

 

 

 

Inamin din ni Luis na medyo natakot siya sa kalalabasan ng test results.

 

 

 

“Do I feel okay? Yes. Apat na doktor na ang nagsabi na malabo-labo talaga na it’s cancerous or kung ano man may konting kaba? Siyempre kasi i-stitch yan e, isasama ko kayo sa procedure parang tatanggalan ng sample tapos 2-3 stitches so papanoorin ko kayo.

 

 

 

“But para sa akin ang main goal ko is to create awareness kasi napaka rami siyempre ‘yung mga binabantayan na mga nunal growth, kita yan sa mga katawan,” paliwanag pa niya.

 

 

 

Ang pinakamahirap daw ay yung waiting period para sa mga test results.

 

 

 

“Ito na ‘yung pinaka-mahirap sa lahat ng mga test, minsan ‘yung procedure itself hassle kung hassle given pero ang pinaka mabigat diyan ay ang pag-aantay ng results kasi malalaman to kung benign ba to or malignant I think five to seven days kapag binigay na ‘yung sample mas hassle ‘yun mas hassle ‘yung ganung stress na ‘yun in fact, ‘yung nakita kanina ‘yung pinost ko kanina sabi ‘yung mga buhok na andon is already a good sign in itself pero ipapadala pa rin to be sure so hoping and praying.”

 

 

 

***

 

 

 

MAS marami pang mga Pinay beauties ang magkakaroon ng chance na makasali sa Miss World Philippines dahil sa bagong franchise holder nito sa USA.

 

 

 

Sa post ng MWP via Instagram, ang McLelland Entertainment Production An Elite Chateau Inc. was named as the official franchise holder for the Filipino community in the United States. Sila ang pipili sa Filipino community ng United States’ representative to the Miss World Philippines competition.

 

 

 

Locally, marami ng franchises ang MWP sa Western Visayas, Cebu, Bukidnon, Olongapo City, Zambales, Pangasinan and Bataan.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Tradisyunal na pag- oobserba ng Kuwaresma, malaki ang maitutulong para mapababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 – Malakanyang

    HINILING ng Malakanyang sa mamamayang Filipino na gawin ang tradisyunal na pag- obserba ng Mahal na Araw para sa taong ito.   Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito kasi ang mga panahong wala talagang lumalabas kapag panahon ng Mahal na Araw lalo na kapag Biyernes Santo.   Ayon kay Sec. Roque, malaking bagay ito […]

  • EDU, iginiit ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matapang na lider

    TAGLAY ni Vice President Leni Robredo ang malinaw at kongkretong plataporma para palakasin pa ang Philippine National Police (PNP) kapag nanalong pangulo sa halalan sa Mayo 9.   Ito ang siniguro ng aktor na si Edu Manzano sa isang video message kung saan iginiit niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matapang na lider na magpapatibay sa sistema […]

  • Five Nights At Freddy’s PG-13 Rating Explained: Violence, Blood, & Language

    CO-WRITER/DIRECTOR Emma Tammi explains why the Five Nights at Freddy’s movie didn’t aim for an R-rating, Despite being comprised of a host of murderous animatronics.     Anticipation is high for the adaptation of the hit horror video game franchise, which put players in the shoes of a night security guard at the eponymous family […]