• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Natatakpan ng mga bubbles ang private parts: HERLENE, pinakita uli ang alindog habang nasa loob ng jacuzzi

PABULA ang unang Instagram post ni Herlene “Hipon Girl” Budol para sa bagong taon na 2024.

 

 

Alindog ang pinakita ni Herlene habang nasa loob siya ng isang jacuzzi. Natakpan ng mga bubbles ang maseselang parte ng katawan ni Herlene habang nagpo-pose ito. Pero may suot naman siyang red bikini bottom.

 

 

Nilagyan niya ng simpleng caption na “Dakak”.

 

 

Ang Dakak Park and Beach Resort ay natatagpuan sa Barangay Taguilon, Dapitan City, Zamboanga del Norte.

 

 

Noong nakaraang linggo, nag-share ang ‘Magandang Dilag’ star ng ilang photos sa IG habang nasa kanyang voice lessons.

 

 

Maglalabas ang Kapuso comedian ng single titled “Kain Tayo”. Sagot daw niya ito sa naging kontrobersyal na leaked text conversation niya with actor Rob Gomez.

 

 

Nag-trend ang phrase nq “kain tayo” kaya iyon ang ginawang title ng single niya.

 

 

Pinasalamatan ni Herlene ang dati niyang manager na si Wilbert Tolentino dahil sa patuloy na paggabay at pagtanggol sa kanya.

 

 

“Thank you Mima ko @sirwil75. Yung kht indi na cya Manager ko pero andyan parin cya thru thick & thin at pinupush nya ako mag voice lesson at classmate ko narin si Little KaFreshness Willard King Tolentino.

 

 

“Masaya pala ang Musika. Yung may assesment ng coach ko si @kimusikero ng Jazz, Pop, Ballad, Blues, Rock, Hip hop, Classical, Electro, New age, Reggae atbp. Ciempre Abangan ang bagong Single na ilalabas ko sa 2024 – ‘KAIN TAYO,’” caption ni Herlene.

 

 

Kasalukuyang napapanood si Herlene bilang si Pretty sa GMA actionserye nq ‘Black Rider’.

 

 

***

 

 

INAMIN ni Jennylyn Mercado na na-pressure siya na ibalik ang dating figure niya para matuloy ang taping ng teleserye nila ni Xian Lim na ‘Love. Die. Repeat.’

 

 

Two years daw hinintay ng GMA si Jen pagkatapos nitong manganak sa panganay nila ni Dennis Trillo na si Baby Dylan. Kaya abot-abot ang pasasalamat ng Kapuso Ultimate Star sa GMA Network dahil sa patience sa pagbabalik niya.

 

 

“Naging patient sila, thankful ako kasi ang tagal ng dalawang taon, ‘di ba? Parang ang daming na nilang pwedeng gawin, ‘di ba? And syempre, nagpapa-salamat ako sa GMA, kina Xian, sa mga co-artists ko, sa buong production dahil inantay pa rin nila ako kasi pwede namang iba na lang, palitan nila ako, pero inantay pa rin nila ako para mangyari itong show na ‘to, so thank you,” sey ni Jen.

 

 

Sa kanilang pagbabalik-taping, kinunan sa budok ang ilang eksena nila dahil doon magsisimula ang love story ng mga karakter nina Jen at Xian bilang Angela at Bernard.

 

 

Mula ito sa direksyon nina Jerry Sineneng and Irene Villamor.

 

 

***

 

 

TINAYO ang 21-foot na estatwa ng Colombian singer Shakira sa Gran Malecon de Barranquilla, sa Barranquilla, Colombia.

 

 

Naka-belly-dancing pose ang giant bronze statue na may plake at may nakasaad na “hips that do not lie.”

 

 

Ang alkalde ng lungsod na si Jaime Pumarejo ang nagpagawa ng estatwa bilang pagbigay nila ng importansya sa mga nagawa ng singer sa kanilang bansa: “This shows millions of girls that they can, that they can pursue their dreams and any of them can achieve what they want.”

 

 

Nagsimula raw si Shakira na kumakanta sa local children’s concerts hanggang sa sumikat ito noong 2001 at mabigyan ng titulo bilang Queen of Latin Music.

(RUEL J. MENDOZA) 

Other News
  • PDu30, masaya sa maingat at mahinahon na muling pagbubukas sa mga eskuwelahan sa MM

    IKINATUWA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang maingat na muling pagbubukas ng klase matapos ang 2-taong suspensyon ng face-to-face classes.   Ang pagsusuot ng face masks at pag-upo sa desks na may nakalagay na plastic screens, may 2,000 mag-aaral ang nagbalik sa 28 eskuwelahan sa National Capital Region bilang bahagi ng trial ng in-person classes. […]

  • Ads January 18, 2024

  • Plano ni Sec. Roque sa politika, nakasalalay sa population protection

    KAILANGAN na makamit muna ng bansa ang population protection bago pa magdesisyon si Presidential Spokesperson Harry Roque kung ano talaga ang kanyang plano sa pulitika.   Nakasama kasi ang pangalan ni Sec. Roque sa senatorial lineup ng ruling party para sa 2022 national elections na isinasapinal na ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   “So, […]