• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, masaya sa maingat at mahinahon na muling pagbubukas sa mga eskuwelahan sa MM

IKINATUWA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang maingat na muling pagbubukas ng klase matapos ang 2-taong suspensyon ng face-to-face classes.

 

Ang pagsusuot ng face masks at pag-upo sa desks na may nakalagay na plastic screens, may 2,000 mag-aaral ang nagbalik sa 28 eskuwelahan sa National Capital Region bilang bahagi ng trial ng in-person classes.

 

Layon ng pamahalaan na muling buksan ang lahat ng paaralan sa Enero 2022.

 

“I’m glad that they have thought of this. Just dahan-dahan lang, ‘wag masyadong mabilis kasi just the better part of prudence,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

Sinabihan ng Pangulo ang mga estudyante at guro na hindi nakasama sa programa na: “Do not be dismayed kung hindi sa inyo muna because these are all experimental and pilot projects.”

 

“Doon muna titingnan natin kasi andoon lahat ng resources ng government, and iyong mga official andoon at makita agad, and they keep posted on what is happening,” pagpapatuloy ng Pangulo.

 

Ang muling pagbubukas ng klase sa capital region ay pagpapalawak ng trial ng 100 schools sa lower-risk areas na nagsimula noong nakaraang buwan.

 

Kailangang manatili ang pag-iingat para sa mga estudyante gaya ng ang class sizes ay dapat lamang na hanggang 15 upang maiwasan ang overcrowding. (Daris Jose)

Other News
  • Final guidelines para sa 2022 polls, ilalabas sa 4Q ng 2021 – Comelec

    Ilalabas ng Commission on Elections (Comelec) sa huling quarter ng 2021 ang final guidelines para sa 2022 national elections.     Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, binabalangkas pa nila ang mga guidelines na ihahanay sa umiiral na sitwasyon ng COVID-19 pandemic, na inaasahang tatagal pa hanggang sa halalan.     “Ongoing pa yung aming […]

  • Magsayo bagong Pinoy world champ

    MAY bagong world champion ang Pilipinas sa ngalan ni Mark Magsayo.     Naitarak ni Magsayo ang majority decision win upang hubaran ng korona si Gary Russell Jr. at matagumpay na maagaw ang World Boxing Council (WBC) featherweight title kahapon sa Borgata Atlantic City sa New Jersey.     Dalawang hurado ang pumabor kay Magsayo […]

  • Nabakunahang health worker namatay dahil sa COVID-19–DOH, FDA

    Nilinaw ng Department of Health at Food and Drug Administration na hindi COVID-19 vaccine ang nasa likod ng pagkamatay ng isang healthcare worker na napabalitang nabakunahan laban sa sakit.     Nitong araw inamin ng mga ahensya na noong March 15, isang healthcare worker, na naturukan ng COVID-19 vaccine, ang binawian ng buhay.     […]