• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National gov’t, patuloy ang pakikipag-koordinasyon sa Metro Manila Mayors

TULUY-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng National government sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila mayors para sa posibilidad na maibaba na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang quarantine classification sa National Capital Region (NCR).

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DoH Usec. Maria Rosario Vergeire, na mayroon na silang hawak na talaan para mapagbasehan kung dapat na bang mag-shift ang NCR sa MGCQ mula sa GCQ.

 

Subalit, umamin si Vergeire na hindi pa kumpleto ang kanilang mga hawak na datos dahil hindi pa nakapagsusumite nito ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

 

Pagdating din sa surveillance at contact tracing system medyo kulang pa talaga aniya ang mga cities and lone municipalities sa NCR.

 

Ito ang dahilan kung bakit patuloy ang pakikipag-koordinasyon ng pamahalaan sa Metro Manila Mayors para matulungan ang mga ito na maging handa na sakaling luwagan na sa MGCQ ang buong Kamaynilaan. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, pangungunahan ang nat’l coconut tree-planting sa 50th year ng PCA

    INAASAHAN na pangungunahan ni  Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang national coconut tree-planting ceremony sa darating na Hunyo 29  bilang  bahagi ng ika-50 anibersaryo ng Kapistahan ng Philippine Coconut Authority (PCA).     May temang “Honoring the Past, Embracing the Future of the Coconut Industry,” sa golden anniversary celebration  ng PCA sa Hunyo 30 ay […]

  • Trump, nagbantang dudulog sa Supreme Court; inireklamo ang ‘pandaraya’ ng Biden camp

    INAKUSAHAN ni US President Donald Trump ang mga Democrats na sinusubukan ng mga ito na “magnakaw” ng isang panalo.   Ayon kay Trump, pinagha-handan na nila ang isang malaking pagdiriwang dahil naniniwala siyang siya ang mananalo sa halalan ngunit bigla itong nawala dahil sa pandaraya umano na ginawa ng kampo ng kanyang katunggali na si […]

  • 5.6 milyong doses ng bakuna mula Pfizer, AstraZeneca parating na

    Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na parating na ngayong kalagitnaan ng Pebrero ang tinatayang 5.6 milyong doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca.     Nakapaloob sa liham mula kay Aurélia Nguyen, managing director of the World Health Organization-led COVAX facility, na […]