• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National ID kikilalanin na sa lahat ng transaksyon

NILAGDAAN  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 162 na nag-uutos na tanggapin ang Philippine o National ID bilang sapat na katiba­yan ng pagkakakilanlan at edad ng isang tao sa lahat ng transaksyon sa bansa upang mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo, mapalakas ang financial inclusion at mapadali ang paggawa ng negosyo.

 

 

Sinabi ni Duterte na ang PhilSys (Philippine Identification System) ang magiging sentro ng identification platform ng gobyerno para sa lahat ng mga mamamayan at residenteng banyaga sa bansa.

 

 

Nakapaloob din ito sa Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act, kung saan ang record ng isang mamamayan sa PhilSys ay ikokonsiderang sapat na patunay ng identiy at edad ng isang indibidwal.

 

 

Ang PhilSys din ang magsisilbing opisyal identification document na inilabas ng gobyerno at opisyal na katibayan ng identity ng mga cardhol­ders sa pakikipag-transaksiyon sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

 

 

Inaatasan ang lahat ng mga bangko at pinansiyal na institusyon na sumunod sa guidelines na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas at iba pang regulatory agencies tungkol sa PhilID, PSN o PSN Derivative. (Daris Jose)

Other News
  • Ads March 24, 2023

  • ROLL CALL: MEET THE MIGHTY PUPS AND THEIR VOICE ACTORS IN THESE CHARACTER POSTERS AND NEW CLIP FOR “PAW PATROL: THE MIGHTY MOVIE”

    MIGHTY Powers, Mighty Pups.  We’re on a roll with these all-new character posters for PAW Patrol: The Mighty Movie, in Philippine cinemas October 11.  And find out what’s new with PAW Patrol in this new “Back to School” clip: https://youtu.be/1afR6VQDJI0?si=caf9WXbQCTua9Bba About PAW Patrol: The Mighty Movie Paramount Pictures and Nickelodeon Movies and Spin Master Entertainment Present PAW Patrol: The Mighty […]

  • US firms, handang i-employ ang mga OFWs na nailigtas ng gobyerno ng Pilipinas mula Sudan

    NAGPAHAYAG ng interest ang american business firms na i-employ ang mga  Overseas Filipino Workers (OFWs) na kamakailan lamang ay nailigtas ng Philippine government mula sa Sudan.     “They’re willing na tingnan ‘yung profiles nung mga galing Sudan kasi sabi ko these are skilled workers. Sabi ko, may international school na teachers may mga nurses, […]