National ID System nakikitang makakatulong sa rollout ng COVID-19 vaccine sa Phl
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
Nakikita ng isang kongresista na makakatulong ang national ID system para sa maayos na rollout ng COVID-19 vaccine sa oras na maging available na ito sa Pilipinas.
Ayon kay San Jose Del Monte, Bulacan Rep. Florida Robes, maaring gamitin ng pamahalaan ang biometric technology ng national ID system para matiyak na matatanggap ng mga nasa priority group na tinukoy ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang inisyal na supply ng COVID-19 vaccine.
Bukod sa pagtukoy sa mga priority patients, sinabi ni Robes na makakatulong din ang paggamit ng national ID system bilang biometric ID sa pag-track sa mga naturukan ng bakuna kahit pa sa mga rural areas at offline setting.
Sa ngayon, ginagamit na aniya sa 12 bansa ang biometric ID na itinuturing “game changer” dahil sa epektibo ito pagdating sa health at humanitarian projects.
Aabot sa 12 vulnerable groups ang tinukoy ng IATF-EID na prayoridad sa rollout ng bakuna base sa guidelines na inilabas ng World Health Organization Strategic Advisory Group of Experts on Immunization.
Ang mga ito ay mga frontline health workers sa pribado at pampublikong sektor, mga senior citizens, indigent population at uniformed personnel.
Kasam rin ang mga guro at school workers sa mga pampubliko at pribadong institusyon, government workers, essential workers sa agriculture, food industry, transportation at tourism, socio-demographic groups gaya ng mga people deprived of liberty, People with Disability (PWDs) at Filipinos living sa mga high density areas, Overseas Filipino Workers, at iba pang mga manggagawa at estudyante.
-
Ads December 15, 2023
-
‘Proud dad moment’: DINGDONG at ZIA, kinatuwaan ng netizens sa kanilang latest TVC
KINATUWAAN ng mga netizens ang TV commercial ng mag-amang Dingdong at Zia Dantes para sa isang online selling app. Kaya sabi ni Dingdong “proud dad moment” sa kanya habang ginagawa nila ang commercial na dinirek ng dalawang directors that he respects and admires, sina director Cathy Garcia-Molina at Dan Gonzales. […]
-
2020, Year of Filipino Health Workers – Duterte
Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2020 bilang Year of Filipino Health Workers. Nakasaad sa Proclamation No. 976, ang pangangailangan na bigyang-pugay ang kabayanihan at sakripisyo ng mga doctors, nurses, midwives at lahat ng health workers na itinataya ang kanilang buhay sa linya ng kanilang serbisyo lalo na ngayong humaharap sa COVID-19 pandemic ang […]