• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National karatekas maagang magtutungo sa France

Mas maagang magtutungo ang mga national karatekas sa Paris, France para sumabak sa World Karate Championship, ang pinakahuling qualifying tournament para sa 2021 Olympic Games.

 

 

Ito ay dahil sasailalim pa sina 2019 SEA Games gold medalist Jamie Lim, Fil-Am Joane Orbon, Ivan Agustin, Shariff Afif, Joco Vasquez, Sarah Pa­ngilinan at Jason Macaalay sa isang 10-day quarantine.

 

 

Napuwersa sina Lim, Orbon, Agustin, Afif, Vasquez, Pangilinan at Macaalay na tapusin ang kanilang training camp sa Istanbul, Turkey.

 

 

“Supposed to be naka-book kami ng June 7 pa­puntang France, iyon talaga ang plano,” sabi ni Karate Pilipinas president Richard Lim sa panayam ng PTV Sports. “Kaso nga sinabi ng French Government na kailangan kaming duma­ting ng mas maaga dahil we have to fulfill the 10-day quarantine.”

 

 

Inaasahan ding makakasama ng grupo si 2019 SEA Games gold medal winner Fil-Japanese Junna Tsukii para sa Olympic qualifying sa Hunyo 11-13.

 

 

Ang top three karatekas sa bawat weight category ang magku-qualify sa 2021 Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 sa Tokyo, Japan.

 

 

Umakyat si Tsukii sa No. 8 sa world rankings ng female kumite -50 kilogram division matapos pagreynahan ang World Karate Federation (WKF) Premier League sa Lisbon, Portugal.

Other News
  • Maraming mabubunyag sa ‘The Atom Araullo Specials’: ATOM, maglalakbay sa masalimuot na mundo ng POGO

    NGAYONG Linggo (Hulyo 21), maglalakbay si Atom Araullo sa malawak, malalim, at masalimuot na mundo ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa “The Atom Araullo Specials: POGO Land” na ipalalabas sa 3 p.m. sa GMA.       Sa nakalipas na mga buwan, nagsagawa ang mga awtoridad ng magkakasunod na pagsalakay sa mga POGO hub […]

  • PBBM nanawagan sa mga sundalo manatiling pokus sa trabaho, huwag magpaapekto sa pulitika

    Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga sundalo na manatiling naka pokus sa kanilang misyon sa kabila ng mga kaguluhan at ingay sa paligid lalo na ang isyu sa pulitika.       Ginawa ni PBBM ang pahayag matapos bumisita sa Southern Luzon Command (SOLCOM) sa Camp General Guillermo Nakar sa lalawigan ng Quezon […]

  • Halos 700 mga private schools, sarado muna ngayong school year -DepEd

    Umaasa ang Department of Education (DepEd) na magiging pansamantala lamang ang pagsuspinde muna ng nasa halos 700 mga pribadong paaralan sa buong bansa sa kanilang operasyon ngayong school year.   Ayon kay DepEd Usec. Jesus Mateo, nasa 676 ang mga private schools ang nagsabi na raw sa kanila na hindi raw muna sila magbubukas ngayong […]