Halos 700 mga private schools, sarado muna ngayong school year -DepEd
- Published on September 11, 2020
- by @peoplesbalita
Umaasa ang Department of Education (DepEd) na magiging pansamantala lamang ang pagsuspinde muna ng nasa halos 700 mga pribadong paaralan sa buong bansa sa kanilang operasyon ngayong school year.
Ayon kay DepEd Usec. Jesus Mateo, nasa 676 ang mga private schools ang nagsabi na raw sa kanila na hindi raw muna sila magbubukas ngayong taon bunsod ng epekto ng coronavirus crisis.
“Temporary lang ang closures nila pero kung maganda-ganda na next year, magbubukas na po sila,” wika ni Mateo.
Sa panig naman ni Education Secretary Leonor Briones, ang mababang enrollment turnout at ang paglipat ng mga guro sa public schools ang ilan sa mga pangunahing rason kaya nagpasya ang ilang mga eskwelahan na magsara muna.
“Wala pang COVID, wala pang downturn ng economy, nagma-migrate na ang private school teachers dahil ‘di mahabol ng mga maliliit na private schools ang compensation at benefits ng mga nasa public schools,” ani Briones.
Nagpahayag naman ng kanyang pag-asa si Briones na irerekonsidera ng naturang mga educational institution ang kanilang pasya dahil sumisigla na raw ang takbo ng ekonomiya.
Kasabay nito, umapela rin ang kagawaran sa mga local government units na tulungan ang mga private schools sa kanilang lugar na nahihirapang mag-operate dahil sa pandemya.
Sa datos mula sa ahensya, ang temporary closure sa mga paaralan ay makakaapekto sa mahigit 40,00 estudyante at mahigit 3,000 mga guro.
Sa panig ng mga grupo ng private schools, sinabi ni Atty. Joseph Noel Estrada ng Coordinating Council of Private Educational Associations na umaasa silang gaganda ang enrollment sa mga pribadong institusyon sa oras na malagdaan na ang Bayanihan to Recover as One Act o kilala rin bilang Bayanihan 2.
Sa ilalim ng panukalang batas, may nakalaang allowance para sa mga kwalipikadong estudyantem mga gurong nawalan ng trabaho at mga non-teaching personnel.
Ayon sa Malacanang, posibleng lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan 2 sa susunod na linggo. (Daris Jose)
-
Pacquiao tinanggalan ng titulo
Tinanggalan ng korona ng World Boxing Association (WBA) si welterweight king Manny Pacquiao dahil bigo nitong madepensahan ang titulo sa mahabang panahon. Mula sa pagiging “super champion,” nagpasya ang WBA Championships Committee na gawin itong “champion in recess” habang si Cuban Yordenis Ugas na ang magsisilbing “super champion” simula ngayong araw. […]
-
DOJ, inatasan ni PDu30 na inimbestigahan ang korapsyon sa buong gobyerno
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte InterAgency Task Force led sa pangunguna ni Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan ang korapsyon sa buong pamahalaan. Ipinag-utos din ng Pangulo sa task force na imbestigahan ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). “It behooves upon me to see to it […]
-
Mga sundalong kabahagi ng IATF, kuwalipikado at alam ang kanilang ginagawa sa Task Force -Malakanyang
TODO-depensa ang Malakanyang sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga sundalo para sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga ito sa Inter-Agency Task Force (IATF). Muli kasing inulan ng pamumuna at pagkuwestiyon ang pamahalaan kung bakit mga militar ang nilalagay sa Task Force. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi lamang […]