National Post Office itayo muli, P13 bilyong contingent fund gamitin
- Published on May 24, 2023
- by @peoplesbalita
“HISTORIAL landmark must rise from the ashes!”
Ito ang binigyang diin ni House Deputy Speaker at 1st District Batangas Rep. Ralph Recto na ikinalungkot ang pagkaabo ng National Post Office Building matapos itong matupok ng apoy sa sunog sa lungsod ng Maynila nitong Lunes.
Sinabi ni Recto na kailangang pabilisin at hindi tulad ng mabagal na paghahatid ng sulat ang pagtatayong muli sa gusali ng National Post Office na matatagpuan sa Liwasang Bonifacio.
Ayon kay Recto, kapag kumatok sa Palasyo ng Malacañang para humingi ng tulong ang mga postmen ay dapat hindi na umabot pa sa dalawang katok at tugunan ito kaagad.
“Pwede pagkunan ang P13 billion Contingent Fund, which is the national emergency fund, which the President controls. Nandiyan din ang NDRRMC or Calamity Fund, which has a beginning 2023 available balance of P19.03 billion. The fire which hit this national historical landmark is undoubtedly a certifiable disaster,” ani Recto sa mga posibleng pagkunan ng pondo para itayo muli ang NPO.
Sa ilalim ng Republic Act (RA) 10066, ang National Cultural Heritage Act of 2009 o ang mga historical landmark, sites o mga monumento sa bansa ay entitled sa prayoridad sa pagpapalabas ng pondo ng gobyerno para sa proteksiyon, konsebasyon at pagpapanatili.
“Hindi kaya ng pondo ng Philippine Postal Corporation ang pagbangon. In 2020, net surplus nito ay negative P240 million, lugi pa. Noong 2021, nakapagtala ng positive net surplus na P106 million, kulang pa rin,” paliwanag niya.
Ang nasabing post office ay itinayo noong 1926 na isa sa pinakamatanda at pinaka ‘iconic structures’ sa Pilipinas na malaking parte na ng kasaysayan at nalagpasan na ang maraming kalamidad lalo na ang digmaan sa Maynila noong World War II.
(GENE ADSUARA)
-
Mga dumalo sa 57th birthday campaign rally ni Robredo umabot sa mahigit 420-K
PUMALO sa mahigit 420,000 bilang ng mga indibidwal na dumalo sa ginanap na campaign rally kasabay ng selebrasyon ng ika-57 kaarawan ni presidential candidate Vice President Leni Robredo. Ayon sa local event organizers ng naturang rally, umabot sa 420,000 ang kabuuang bilang ng mga tagasuporta ni Robredo ang dumalo sa #ArawNa10to rally na […]
-
‘Paniniktik’ sa Pinas simula pa 2016 – Chinese spy
IBINUNYAG ng Chinese ‘spy’ na si She Zhijiang na taong 2016 pa nagsimula ang ‘paniniktik’ nila sa Pilipinas kung saan nakatrabaho niya si dating Bamban mayor Alice Guo. Sa pahayag ni She sa Al Jazeera documentary, sinabi nito na nagkakaso siya sa China at pinaaresto sa kasong illegal gambling. Pinangakuan siya ng kanyang recruiter […]
-
MARIAN, proud na proud sa latest business venture ni DINGDONG na maraming natutulungan
SOBRANG sweet at maalaga talaga si Marian Rivera-Dantes sa kanyang asawa na si Dingdong Dantes kaya naman kinilig ang netizens at napa-’sana all’ na naman. Pinost ni Dingdong ang inihandang healthy breakfast ni Marian at nilagyan niya ito nang nakakikilig na caption. “I am launching something that is very close to […]