Nationwide fare discount sa PUVs, simula na sa Abril
- Published on March 18, 2023
- by @peoplesbalita
IPATUTUPAD na simula sa Abril ang fare discount para sa mga public utility vehicles (PUVs), hindi lamang sa National Capital Region (NCR) kundi maging sa ilang piling ruta nationwide.
“Sa buong bansa po natin ito ipapatupad sa mga piling ruta sa siyudad na may pinakamaraming bilang po ng mga pasahero kagaya po ng nabanggit at alinsunod sa 2023 GAA provisions namin,” ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Mark Steven Pastor.
Sinabi ni Pastor na makikipagtulungan sila sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga ruta na magiging bahagi ng programa.
Aniya pa, maaaring magtagal ang naturang PUV fare discount sa loob lamang ng anim na buwan bunsod na rin ng limitadong budget na P1.285 bilyon sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA) at P875 milyon sa ilalim ng unprogrammed funds.
Matatandaang sinabi ng DOTr na ang PUV fare discount ay isinusulong bilang kapalit ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, na nagtapos na noong Disyembre 31, 2022.
Sa ilalim ng programa, ang DOTr ang magbabayad sa PUV drivers at operators kada linggo o ikalawang linggo.
Layunin nitong maibalik sa P9 ang pasahe sa tradisyunal na jeepneys, o pareho ng presyo bago tumama ang pandemic at bago ipatupad ang taas pasahe.
Ang pasahe naman sa modernized jeepneys ay magiging P11 mula sa P14 habang ang pasahe sa bus ay mababawasan ng P3 hanggang P4.
Pinag-aaralan pa naman ang pasahe para sa UV Express. (Daris Jose)
-
Ads July 18, 2024
-
Mga tour operators, handang magbigay ng 75 percent off sa room rate
UMAPELA sa gobyerno ang mga negosyante sa Boracay na sana’y tanggalin ang ilang mga require- ments para sa madali at bawas hassle na pagtungo ng mga turista sa isla. Ang nasabing apela ay ginawa sa harap ng napakatumal pa ring dating ng mga turista sa Boracay magmula ng itoy binuksang muli sa publiko nitong […]
-
Halos 300K tropa ng AFP, PNP magbabantay sa BSKE
PINANGUNAHAN kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang “ceremonial send-off” sa halos 300,000 uniformed personnel na itatalagang magbantay sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Halos 180,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at halos 100,000 tauhan naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang inaasahang magbibigay ng seguridad sa […]