• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P400K bulto ng pera, kumpiskado sa pasaherong Pinay sa NAIA

INARESTO ng Bureau of Customs-Port NAIA ang isang pasaherong Pinay na tangkang maglabas sa bansa ng P400,000 na walang kaukulang permiso o otorisasyon mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

 

Nilabag ng pasahero ang Manual on Cross Border Local Foreign Exchange Transaction sa ilalim ng circular no.922 series of 2016.

 

Hindi naman pinangalanan ang nasabing pasahero na kasa-lukuyang nakaditine at nahaharap sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Section 36 ng New Central Bank Act (NCBA) at Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act na may penalty na hindi bababa sa P50,000 pero hindi lalagpas sa P200,000 o pagkakakulong ng hindi bababa sa dalawang taon o higit sa sampung taon o pareho depende sa korte.

 

Pinayuhan naman ng BOC ang publiko na ang cross border transaction ng local currency, kung ang pag-export o import ng pera na lalagpas sa P50,000 ay kailangan ng written priority authority mula BSP. (Daris Jose)

Other News
  • Economic essential workers dapat mabakunahan din sa second quarter ng 2021

    TINITINGNAN ng pamahalaan na mabakunahan ang tinatawag na economic essential workers sa second quarter ng 2021.   Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi na ang mga economic frontliners ay kabilang din sa prayoridad ng gobyerno sa COVID-19 immunization drive.   “Ang ginawa […]

  • P500 HAZARD PAY SA MGA EMPLEYADO NG MANILA CITY HALL

    MAKAKATANGGAP ng P500 kada araw na hazard pay ang lahat ng city employee ng Maynila na nag report sa kanilang trabaho sa panahon nh enhanced community quarantine (ECQ)   Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ,ito ay iyong nagsipag report na empleyado mula Marso 17 hanggang Mayo 15,2020.   Nabatid na ipinasa ng […]

  • DOH: 8,346 bagong COVID-19 infections sa Phl naitala; active cases pumalo na sa 71,472

    Iniulat ng Department of Health (DOH) na aabot sa 8,346 ang bagong COVID-19 infections sa bansa, na mayroon nang kabuuang bilang sa ngayon na 1,054,983, hindi pa kasama ang datos mula sa pitong laboratoryo.     Ayon sa kagawaran, mula sa kabuuang bilang ay 71,472 ang total active cases, kung saan 94.7% ang mild, 1.9% […]