• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nat’l Privacy Commission, nagbabala laban sa pagsasamantala sa mga kabataan

NAGBABALA ang  National Privacy Commission (NPC) laban sa mga “online abuse at exploitation” na target ang mga kabataan sa isinagawang  Youth Privacy Advocates Annual Summit.

 

 

“Hihimukin nila na magbigay ka ng personal na impormasyon, gagawing ka-close yung mga bata. Ige-gain nila yung trust nung mga nakakausap nilang bata,” ayon kay Public Information and Assistance division of the commission chief Roren Marie Chin.

 

 

“Pwedeng mag-start nang manghingi ng mga pictures. Pwedeng explicit na mga pictures ito. Kumpletong address, ang mga contaact information, or hingan din ng mga credit card numbers yung bata,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ulat,  batay sa  survey na isinagawa ng End Child Prostitution and Trafficking, Interpol, at UNICEF,  tinatayang nasa dalawang milyong kabataan ang naging biktima ng  online sexual exploitation at pang-aabuso noong nakaraang taon.

 

 

Natuklasan din sa pag-aaral na 20% ng internet users sa Pilipinas na  may  edad na 12-17 ay nakaranas ng pang-aabuso sa online.

 

 

“Syempre natatakot din ako kasi baka mamaya dun siya pumunta sa ibang site na ano. Kaya minsan nililimit ko rin yung kanyang— ‘wag siyang mag-open. Alam niya ‘yung limitasyon niya don. Sinabi ko sakanya talaga yon,” ang naging pahayag naman ni  Zenaida Ramos-Sarita, isang magulang.

 

 

Dahil dito, pinayuhan ng NPC  ang mga kabataan na umiwas na makipag-usap sa mga  “strangers” sa internet.

 

 

Hindi dapat na nagbibigay ang mga ito ng kanilang  personal information at limitahan lamang dapat aniya ang pagbisita sa websites  upang sa gayon ay hindi sila mabiktima ng online abuse. (Daris Jose)

Other News
  • Hihinto ang buong operasyon ng PNR sa December

    ANG KABUUANG operasyon ng Philippine National Railways (PNR) ay hihinto sa darating na December upang bigyan daan ang pagtatayo ng North-South Railway Projects (NSRP) ng PNR at Department of Transportation (DOTr).       Ang unang bugso ng konstruksyon ng proyekto ay ang maaapektuhan ay ang kahabaan ng Alabang, Muntinlupa hanggang Calamba sa Laguna ng […]

  • BINATA NAGBIGTI SA ILALIM NG TULAY

    ISANG 21-anyos na binata ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa ilalim ng tulay makaraang iwanan umano ng kanyang girlfriend sa Malabon city.   Kinilala ang biktima na si Sonny Boy Castillo, 21, ng 142 Azucena St. Merville Tanza, Navotas city.   Sa report nina police investigators PSSg Jeric Tindugan at PCpl Renz Marlon […]

  • PIE Channel, angat sa mga palaro at talentong Pinoy… ANJI, naka-relate sa mga ‘ekstra’ at nakaranas na ibabad sa tubig

    PANALONG-PANALO ang PIE (Pinoy Interactive and Entertainment) Channel sa paghahatid ng mga angat na palaro at talentong Pinoy dahil sa mas pinasiksik na mga programa sa PIENALO PINOY GAMES, PIEGALINGAN, at PAK PALONG FOLLOW ng   Masayang mga larong tatak Pinoy kung saan bayanihan at diskarte ang kailangan ng mga nanonood sa kanilang mga tahanan […]