• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Natupad ang wish na suportahan ang sampung entries: VILMA, inaming nag-ambag si RALPH sa movie ni PIOLO

KUNG itinanggi ni Vilma Santos ang pagiging producer ng pelikula nila ng kanyang favorite leading man na si Christopher De Leon na “When I Met You In Tokyo”, inamin naman niyang may naging ambag sa pelikulang “Mallari” si Cong. Ralph Recto.

 

Sey pa ng multi-award winning actress, nag-share lang daw sa movie na pinagbibidahan ni Piolo Pascual ang asawa niya pero hindi raw naman ang asawa niya ang producer.

 

“Hindi siya ang 100 percent producer, sort of nagbigay lang siya ng share sa korporasyon. Kasi si Bryan kaibigan namin ang may hawak ng production nag-share lang si Ralph,” sambit pa ng tinanghal na Best Actress sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2023.

 

Dagdag pa rin naman ni Ate Vi na malapit din naman sa kanila si Piolo na naging anak niya sa pelikulang “Dekada 70”.

 

Bukod sa pelikula nilang “When I Met You In Tokyo” ay kasama rin sa mga dasal at pakiusap ni Ate Vi sa publiko na suportahan ang lahat ng MMFF entries.

 

At nangyari naman ang kanyang wish dahil sinuportahan ang mga pelikulang pinalalabas nationwide.

 

At bonus na lang ang pagkapanalo niya bilang Best Actress.

 

***

 

SAMANTALA, fake news nga naglabasang kinita ng first daw showing ng mga entries sa 2023 Metro Manila Film Festival..

 

Wala raw namang opisyal o hindi maglalabas ng figures ang executive committee ng MMFF o maging ang MMDA ay hindi pa raw naglalabas ng figures.

 

At hanggang ngayon ay wala pa rin silang nilalabas kung magkano na ang kinita ng sampung pelikula sa first day showing.

 

Isa nga pinipilahan ang “When I Met you in Tokyo”, na mas lalong dumami ang na-curious matapos na manalo ito ng mga awards.

 

Tiyak daw na ma-sustain ng movie na ito nina Star for All Seasons at Bro. Bo.

 

Binigyan ng buhay ng dalawa ang istorya ng senior citizens na napadpad sa ibang bansa para magtrabaho para sa pamilya.

 

Tiyak marami ang naka-relate sa movie, lalo ang mga OFWs na may mga edad na ay kumakayod pa rin para sa kanilang iniwang pamilya dito sa Pilipinas.

(JIMI ESCALA)

Other News
  • PDU30 pormal ng tinanggap ang VP candidate nomination ng ruling party

    Malugod na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon sa kanya ng PDP-Laban bilang vice presidential candidate sa 2022 national elections.     Ginawa ito ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa National Convention ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at Proclamation of Candidates for the 2022 National and Local Elections ng […]

  • PDU30, kinastigo si Gordon nang tawagin siyang “cheap politician”

    KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Richard Gordon matapos siyang tawagin nitong “cheap politician” sa gitna ng patuloy na pagdepensa ng Chief Executive sa emergency purchases na may kinalaman sa COVID-19 pandemic.   Sa kanyang Talk to the People, inulit ng Pangulo ang kanyang akusasyon laban kay Gordon na ginagamit ang Philippine Red […]

  • Veteran Bata Reyes, mga pambato ng billiards ng PH patuloy ang pamamayagpag sa SEAG

    TIYAK na ang bronze medal sa 31st Southeast Asian Games ni veteran cue artist Efren “Bata” Reyes     Ito ay matapos na magwagi siya laban kay Suriya Suanasing ng Thailand 65-58 sa carom tournament.     Sa unang bahagi ng laro ay humahabol pa ang Filipino billiard legend hanggang sa makuha niya ang kalamangan. […]