Naturukan na ng Covid -19 vaccine ang 100k Tsinoy na nagtratrabaho sa POGO sa Pinas
- Published on January 6, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG impormasyon si Presidential Spokesperson Harry Roque sa sinabi ni civic leader Teresita Ang-See na may 100,000 Chinese POGO workers na ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19.
“Wala po akong impormasyon kung kung man totoo edi mabuti, 100,000 less possible carriers of the Covid -19 virus,” ayon kay Sec. Roque.
Ukol naman sa kung paano nakapasok ang bakuna at kung sino ang namahala sa pagbabakuna ay sinabi ni Sec. Roque na wala siyang maisasagot dito.
“Wala po akong kasagutan dyan noh. ang masasabi ko lang po .. kung totoo.. Hindi ko kinukumpirma yan noh. that’s hundred thousand less carrier of Covid -19. ‘Yan lang po ang masasabi ko dyan,” ani Sec. Roque.
Nabanggit kasi ni Teresita Ang-See na nabakunahan na di umano ang may 100,000 Tsinoy na nagtatrabaho sa POGO sa Pilipinas.
Samantala, inamin naman ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago L. Sta. Romana na hindi pa siya natuturukan ng bakuna laban sa Covid- 19.
“Wala pang access dito to foreigners to get the vaccine noh. But now that there is genneral approval for general used.. if its quite possible in the near future or in the coming.. sometime this year. As of now, we have not yet got the vaccine yet..,” anito.
-
7 patay, 120 nasagip sa pagkasunog na barko malapit sa Quezon
NASAWI ang pito kataong lulan ng barkong MV Mercraft 2 malapit sa Baluti Island, Barangay Cawayan sa Real, Quezon ngayong Lunes. Bandang 6:30 a.m. nang magpadala ng distress call ang naturang sasakyang pandagat mula Pilollo patungong Real, Quezon nang magkaroon ng sunog. Sinasabing nagmula ito sa engine room. Aabot sa 134 […]
-
Nasawi dahil sa bagyong Odette, umakyat na sa 208 – PNP
Umakyat na sa 208 ang mga napaulat na bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng typhoon Odette. Batay ito sa consolidated report ng Philippine National Police Operation Center (PNP-OC) na ibinahagi ni PNP Spokesperson Col. Roderick Alba. Pinakamaraming nasawi sa Central Visayas na may 129. Sinundan ng CARAGA […]
-
LTO naka-alerto ngayong Semana Santa
MAGPAPATUPAD ang Land Transportation Office (LTO) ng heighten alert sa Marso 31 bilang paghahanda sa Semana Santa. Ayon kay LTO Chief Jay Art Tugade na ipapatupad nila ang “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa and Summer Vacation 2023.” para matiyak na ligtas ang mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya. Ilan […]