Navotas City Hall Child-Minding room, binuksan
- Published on February 19, 2020
- by @peoplesbalita
BINUKSAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang child-minding room sa unang palapag ng city hall para masuportahan ang mga nagtatrabahong kawani at mamamayan ng lungsod na mayroong mga anak na walang mapag-iwanan.
Pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, kasama sina Congressman John Rey Tiangco at iba pang opisyal ng lungsod at barangay, ang pagbabasbas at ribbon-cutting ng Navotas City Hall Child-Minding Room. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Mayor Tiangco na isa sa mga pangunahing alalahanin ng magulang na nagtatrabaho at walang mapag-iwanan ng kanilang mga anak ay ang pagkakaroon ng maayos at ligtas na lugar para sa kanilang mga anak.
“Sa pamamagitan ng paglalagay ng child-minding room sa city hall, maaari nang magtrabaho ang ating mga kawani at mag-asikaso ng papeles at iba pang concerns ang ating mamamayan nang hindi nag-aalala sa kanilang mga anak,” pahayag pa ni Mayor Tiangco.
Nagpasalamat naman ang mga magulang sa kanilang butihing alkalde dahil sa ipinatayong child-minding room ay payapa ang kanilang loob at makapagpukos sila sa kanilang mga trabaho dahil nasa maayos at ligtas ang kanilang mga anak. (Richard Mesa)
-
Ads March 10, 2020
-
Vape masama sa kalusugan – DOH
PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa masamang epekto sa kalusugan ng electronic cigarettes (e-cigarettes) at iba pang vape products. Ang babala ay ginawa ng DOH matapos na lumitaw sa isang medical case report na idinukomento ni Dr. Margarita Isabel C. Fernandez at nalathala sa journal Respirology Case Reports, […]
-
LRT2 may libreng sakay para sa mga kababaihan sa International Womens Day
NAGHATID ng libreng sakay para sa mga kababaihang pasahero ang Light Rail Transit Line 2 (LRT2) bilang special treats kasabay ng pagdiriwang ng International Womens Day, March 8. Ang libreng sakay ay tuwing peak hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. […]