NAVOTAS EMPLOYEES MAKAKATANGGAP NG CASH INCENTIVES
- Published on September 21, 2021
- by @peoplesbalita
MAGBIBIGAY ng karagdagang insentibo ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga epleyado city hall na patuloy ginagampanan ang kanilang tungkulin sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang dalawang ordinansa na magbibigay ng cash assistance sa regular, casual, contract of service, at job order employees na nagtatrabaho sa pamahalaang lungsod simula March 2020.
Ang City Ordinance No. 2021-23 ay nagsasaad na ang mga empleyado na rendered services ng hindi baba sa anim na buwan ay makakatanggap ng kaukulang bayad depende sa uri ng kanilang trabaho.
Ang mga medical frontliner, na direktang nagtatrabaho sa COVID-19 cases, ay makakakuha ng P6,000. Ang non-medical workers na nasa peligro ding magkaroon ng sakit habang naka-duty, ay bibigyan ng P3,000.
Bukod dito, ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod na nagpositibo sa COVID-19 ay makakatanggap ng karagdagang P2,000 tuwing makumpirma na nahawahan sila ng virus mula March 2020 – September 15, 2021.
Samantala, sa ilalim ng City Ordinance No. 2021-22, ang pamahalaang lungsod ay magbibigay ng isang beses na tulong pinansyal sa mga pamilya ng mga empleyado na pumanaw dahil sa COVID-19 sa nasabing time frame.
Ang mamatay na empleyado ng pamahalaang lungsod, anuman ang kanilang katayuan sa trabaho, na nagbigay ng serbisyo nang hindi bababa sa tatlong buwan ay karapat-dapat na makatanggap ng P20,000 cash assistance.
Sa kabilang banda, ang mga empleyado na nasangkot sa high-risk COVID-related functions at namatay, ay kwalipikadong magkaroon ng one-time financial assistance kahit na nasa serbisyo sila nang mas mababa sa tatlong buwan. (Richard Mesa)
-
Rehab ng LRT 2 at extension nakaplano
NAKAPLANO na ang P10 billion na proyekto ng pamahalaan para sa overhaul ng bagon ng Light Rail Transit Line 2 at ang pagkakaron ng extension ng linya hanggang Tondo sa Manila. “We would entertain proposals from the private sector to rehabilitate the LRT 2 train cars, maintain the rail line, and expand it by […]
-
Huwag magpasilaw sa popularidad ng mga kandidato, payo ng mga opisyal ng simbahan sa mga botante
KARAPATANG pumili ng mga lider pahalagahan…huwag magpasilaw sa popularidad ng kandidato, apela ng mga lider ng simbahan sa mga botante. Umaapela si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mamamayan lalo na sa mga botante na pahalagahan ang karapatang pumili ng mga lider ng bansa. Ito ang mensahe ng obispo sa pagsisimula ng election […]
-
Ipinagmamalaki nila ang Japanese film na ‘Monster’… LORNA, nahikayat ni SYLVIA na bumili at mag-produce ng pelikula
NAHIKAYAT ang award-winning actress na si Lorna Tolentino sa pagpo-produce ng pelikula. Ito ang ipinahayag ni Ms. LT sa special celebrity screening ng “Monster,” ang family drama mula sa Japan and directed by Hirokazu Kore-eda, na ginanap noong October 3 sa SM Megamall Cinema 2. Nakatanggap ng mga awards abroad ang […]