Navotas humakot ng multiple awards sa exemplary governance
- Published on October 30, 2024
- by @peoplesbalita
ISA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga lokal na pamahalaan na nanguna sa 2024 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR).
Ito’y matapos makatanggap ang Navotas ng Highly Functional rating para sa Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children and Anti-Drug Abuse Council; High Performing rating for its Peace and Order Council, at Ideal mark para sa Local Council for the Protection of Children nito.
Kinilala din ang lungsod bilang Child-Friendly Local Government; top performer in the Informal Settler Families Cluster for the Manila Bay Clean-Up Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP); at Highly Compliant LGU sa MBCRPP.
Bukod diro, nakuha ng Navotas ang pangalawang puwesto sa Fisheries Compliance Audit (FishCA) at ginawaran ng SubayBAYANI Award para sa excellence, innovation, at good governance practices sa pamamahala ng lokal imprastraktura.
“These awards serve as a testament to our dedication to uphold the safety, inclusivity, and sustainability of our city,” pahayag ni Mayor John Rey Tiangco.
“Each recognition is a victory for our citizens, inspiring us to strive even harder to make Navotas a hub of opportunity, security, and progress,” dagdag niya.
Kasama ni Mayor Tiangco si City Planning and Development Officer Engr. Rufino M. Serrano at Navotas DILG OIC Director Jenifer G. Galorport na tinanggap ang mga award at dumalo din sina Dr. Vonne Villanueva, Special Assistant to the Navotas Anti-Drug Abuse Council chairperson and Disaster Risk Reduction and Management Officer; City Environment and Natural Resources Office head Yzabela Bernardina Nazal-Habunal, at Assistant City Engineer Dyan Lyka Pavia.
Ipinagdiriwang ng Urban Governance Exemplar Awards ang pambihirang kontribusyon at tagumpay ng mga LGU sa Metro Manila, kasama ang mga nanalo na napili ng DILG batay sa isang comprehensive regional assessment at validation ng iba’t ibang mga programa at proyekto ng mga LGU.
(Richard Mesa)
-
No. 40 top most wanted person ng PRO 3, nabitag ng NPD sa Valenzuela
NALAMBAT ng mga operatiba ng District Special Operations Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang isang lalaki na listed bilang No. 40 top most wanted ng PRO 3 sa kanyang tinitirhan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni DSOU chief PLt. Col. Rommel Labalan ang naarestong akusado bilang si Bonifacio Clemente, 51, […]
-
Senator Gatchalian may death threat
NAKATANGGAP umano ng banta sa kanyang buhay si Sen. Sherwin Gatchalian na may kinalaman sa aktibo niyang partisipasyon sa pagdinig ng Senado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na konektado kay Bamban City Mayor Alice Guo at pamilya nito. Pormal na sumulat si Gatchalian kay Major Paul Benjamin Mandane, Sub-Station Commander ng Pasay City Police […]
-
Na may pag-asang pagkakaisa sa kabila ng mga hamon: ‘Women’s Month’ celebration sumipa na- CHR
SUMIPA na noong Marso 1 ang “Purple Action Day” ng Commission on Human Rights (CHR), pagbubukas ng “Women’s Month” para ngayong taon na may mensahe ng pag-asa at pagkakaisa para sa mga kababaihan at women leaders lalo na ngayong nalalapit na ang halalan sa bansa. Ang tema para sa pagdiriwang ngayong taon ay […]