Navotas LGU nagbigay ng mga lambat sa mangingisdang Navoteños
- Published on December 6, 2023
- by @peoplesbalita
IBA’T IBANG lambat ang ipinamigay ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga rehistradong may-ari ng bangkang pangisda sa pamamagitan ng Handog Lambat Program nito.
Umabot sa 649 na maliliit na mangingisdang Navoteño ang nakatanggap ng 200-meter mesh na lambat sa walong magkakaibang laki na maaari nilang gamitin sa paghuhuli ng iba’t ibang uri ng isda, hipon, at alimango.
“It has always been our priority to provide our fisherfolk with opportunities to earn a sustainable livelihood. Navoteños are seasoned at fishing. We just need to supply them with necessary gears and equipment to ensure they can continuously earn enough and support their families,” sabi ni Mayor John Rey Tiangco.
Bukod sa mga lambat sa pangingisda, binibigyan din ng Navotas ang mga marginal fisherfolks ng kanilang sariling mga bangkang pangisda sa pamamagitan ng NavoBangkabuhayan Program.
Noong nakaraang linggo, 56 na rehistradong mangingisdang Navoteño ang nakatanggap ng bagong 30-footer fiberglass NavoBangka at mga gamit sa pangingisda sa tulong ng opisina ni Sen. Imee Marcos. (Richard Mesa)
-
Ken, naka-support lang sa friend at dating ka-loveteam: RITA, umamin at ‘di itinago dahil proud sa magiging baby
DAHIL wala naman kasing nababalitang non-showbiz boyfriend si Rita Daniela at sila ng ka-loveteam na si Ken Chan ang madaling isipin na tila may “something” in real-life, talagang hindi lang siya ang nakatanggap ng mga pagbati ng ‘congratulations,’ maging ang Kapuso actor. Umamin na nga kasi si Rita na siya ay buntis at […]
-
Serantes bumalik sa pagamutan
NAGBALIK sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City ang 1988 Seoul Summer Olympic Games men’s boxing bronze medalist na si Leopoldo Serrantes dahil sa dati at matagal na niyang karamdamang pulmonya at sa sakit sa puso. Pinabatid ng Philippine Sports Commission ang kalagayan ng 58-anyos at may taas na 5-2 na bayani ng […]
-
Rally ni Robredo sa Negros Occidental dinaluhan ng 100K supporters
MAHIGIT 100,000 katao ang dumalo sa iba’t ibang pagtitipon ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa Negros Occidental noong Biyernes, kabilang ang grand rally sa Paglaum Stadium sa Bacolod City na dinaluhan ng 70,000 supporters. Ayon kay Negros Occidental provincial administrator Rayfrando Diaz, ang bilang ng tao sa loob ng Paglaum […]