NAVOTAS LUMAGDA SA MOA UPANG MAGTATAG NG SCHOOL PESO DESK
- Published on February 21, 2024
- by @peoplesbalita
PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang Memorandum of Agreement para sa pagtatag ng isang Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic College (NPC) at lahat ng senior high school sa Navotas.
Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco ang MOA kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. Joel M. Chavez, Pangulo ng NPC; at Rey Sanglay, Supervising Labor and Employment Officer ng Department of Labor and Employment-CAMANAVA.
Layunin ng programa na palakasin ang paghahatid ng mga employment services sa mga estudyanteng Navoteño at mga bagong graduate.
Kasama sa mga serbisyo ang Special Program for the Employment of Students (SPES), impormasyon sa job market, referral at placement, career guidance at employment coaching, at Labor Education for Graduating Students (LEGS), bukod sa iba pa.
“Through the PESO Desks, Navoteño youth will be more guided, prepared, and equipped for the career they wish to pursue,” ani Tiangco.
“But more than being career-ready, we hope young Navoteños will develop discipline, critical and creative thinking, emotional stability, adaptability, and other skills and values that will help become successful in life,” dagdag niya.
Dumalo rin sa seremonya sina Estelita Aguilar, PESO Navotas Action Officer; Dr. Marco Meduranda, SDO Navotas Curriculum Implementation Division Chief; at Editha Peregrino, Public School District Supervisor.
Sinusuportahan ng pamahalaang lungsod ang mga naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng lingguhang mga in-house job interview at mega job fair. Nagbibigay din ito ng tulong at kinikilala ang mga posibleng kasosyo para sa student work immersion. (Richard Mesa)
-
Metro Manila mayors muling iginiit na kontra sila sa pagbubukas ng mga sinehan
Hindi sang-ayon ang mga alkalde ng Metro Manila sa muling pagbubukas ng mga sinehan. Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, nakatakdang kausapin ng mga alkalde ang national government para sa nasabing desisyon na buksan ang sinehan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine. Paliwanag […]
-
DICT: Unregistered SIM cards, tatanggalan ng access sa socmed
IKINOKONSIDERA ng Department of Information Communications Technology (DICT) ang unti-unti nang pag-disable ng mga featured services ng mga SIM cards, na hindi pa rin irerehistro ng mga may-ari nito, sa loob ng 90-day extension na ipinatupad ng pamahalaan sa SIM card registration. Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni DICT Secretary Ivan […]
-
PBBM, hinikayat na ipawalang-bisa ang free tuition law, palawigin ang voucher program
HINIKAYAT ng advocacy group na Foundation for Economic Freedom (FEF) ang administrasyong Marcos na ipawalang-bisa ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na naglalayong magbigay ng libreng tuition para sa mga state universities at colleges. Sa isang virtual forum kung saan tinalakay ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinan […]