Metro Manila mayors muling iginiit na kontra sila sa pagbubukas ng mga sinehan
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi sang-ayon ang mga alkalde ng Metro Manila sa muling pagbubukas ng mga sinehan.
Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, nakatakdang kausapin ng mga alkalde ang national government para sa nasabing desisyon na buksan ang sinehan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.
Paliwanag nito na matagal na mananatili sa loob ang mga manonood at walang sapat na ventillation.
Kapag mangyari aniya nito ay maaaring dumami pa ang bilang ng mga mahahawaan.
Wala na rin aniyang gumagawa ng mga pelikula dahil sa COVID-19 pandemic.
Paglilinaw nito na suportado niya ang hakbang ng gobyerno na buksan ang ekonomiya subalit gawin sana ito ng pakonti-konti.
Sinabi naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na maging ang ilang mga mall owners ay hindi ring sang-ayon sa pagbubukas ng mga sinehan.
Tanging ang sinehan lamang ang kanilang hindi sinasang-ayunan subalit ang ilang negosyo na nabanggit ng gobyerno na bubuksan gaya ng mga libraries, museums, cultural centers, conference, exhibitions at ilang tourist attractions ay kanilang sinusuportahan.
Magugunitang inihayag ng national government na simula ngayong Pebrero 15 ay bubuksan ang nasabing mga negosyo at gagawing 50 percent ang magiging kapasidad ng mga dadalo sa mga misa.
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 44)
NAGULAT si Bela nang makita si Jeff mula sa pagsilip niya sa bintana. “A-anong ginagawa mo rito?” tanong niya rito na hawak pa rin ang cellphone. “Huwag ka ngang maraming tanong diyan, lumabas ka na lang.” sabay off ni Jeff ng cellphone. Ayaw ni Bela na makita ng mga magulang niya ang […]
-
LAOGAN, BAGONG DEPUTY COMMISSIONER NG BI
ITINALAGA sa Bureau of Immigration (BI) si Daniel Y. Laogan bilang bagong Deputy Commissioner. Si Laogan na isang Abogado by profession ay nagtapos ng Commerce mula sa University of Sto Tomas (UST), kumuha rin ito ng Master of Science in Commerce sa nasabi ring unibersidad at nagtapos ng Abogasya sa Ateneo de Manila […]
-
Sinasabing pahayag ng WHO na nakukulangan ito sa hakbang ng pamahalaan para protektahan ang mga health workers, pinatulan ng Malakanyang
IGINIIT ng Malakanyang na ang pinakamabisang bakuna ay kung ano ang naririyan o available. Ito ang tugon ng Malakanyang sa naging pahayag WHO Representative to the Philippines Dr. Rabi Abeyasinghe na kulang pa rin ang hakbang ng pamahalaan para protektahan ang frontline healthcare workers ng bansa. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang […]