• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS LUMAGDA SA MOU PARA SA MAKABATA HELPLINE

PUMASOK sa isang kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) para sa pagpapatupad ng Makabata Helpline 1383 sa lungsod.

 

 

Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang memorandum of understanding kasama si CWC undersecretary Angelo M. Tapales.

 

 

Sa ilalim ng MOU, gagawin ng lungsod ang Makabata Helpline bilang karagdagang serbisyo sa hotline na naa-access ng publiko para sa child-related concerns.

 

 

“Our city treasures its young population. Through the Makabata 1383, we encourage people, especially the youth, to report instances of child abuse and violence, and help to immediately resolve these cases,” saad ni Mayor Tiangco.

 

 

Ang CWC, sa pakikipagtulungan sa Navotas, ay naglalayon na gawing popular ang child helpline service at i-maximize ang mga operasyon nito upang makinabang ang mas maraming mga bata at pamilyang Pilipino.

 

 

Ang Makabata Hotline, na inilunsad noong Nobyembre 2023, ay binuo ng CWC upang magbigay ng plataporma para sa mga bata na mag-ulat ng anumang uri ng karahasan, pang-aabuso, at pagsasamantala.

 

 

Nilalayon din nitong tugunan ang paglabag sa mga karapatan ng bata sa pamamagitan ng agarang koordinasyon at prevention measures.

 

 

Dumalo rin sa seremonya sina Atty. Karen Gina Dupra, CWC Project Management Office Head, at Ms. Jennifer Serrano, City Social Welfare and Development Officer. (Richard Mesa)

Other News
  • Speaker Romualdez tiwala na maiangat ang NAIA bilang “world-class” standards

    NANINIWALA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang paglagda sa P170.6 billion Public Private Partnership concession agreement ay lalong magpapa-angat sa antas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maging isang “world-class” standard na paliparan. Sinabi ni Speaker Romualdez malaking pakinabang sa ekonomiya ng bansa kapag mapapabuti ang mga pasilidad sa loob ng paliparan, magpapalakas […]

  • IRR ng Maharlika fund, isinapinal na-PBBM

    ISINAPINAL na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF), isang linggo matapos na suspendihin ang implementasyon nito.     “The Investment Rules and Regulations of Maharlika Investment Fund have been finalized,” ayon kay Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa kanyang Instagram.     “Upon our approval, we’ll swiftly establish the corporate structure, […]

  • Final guidelines para sa 2022 polls, ilalabas sa 4Q ng 2021 – Comelec

    Ilalabas ng Commission on Elections (Comelec) sa huling quarter ng 2021 ang final guidelines para sa 2022 national elections.     Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, binabalangkas pa nila ang mga guidelines na ihahanay sa umiiral na sitwasyon ng COVID-19 pandemic, na inaasahang tatagal pa hanggang sa halalan.     “Ongoing pa yung aming […]