• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS MAGBIBIGAY NG P3K SA HINDI NABIGYAN NG SAP

NAGLAAN ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng pondo para mabayaran ang mga pamilyang Navoteño na hindi nakatanggap ng P8,000 second tranche ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP).

 

 

Inihayag ni Mayor Toby Tiangco na dagdagan ng Pamahalaang Lungsod ang natitirang P3,000 dahil 2,939 Navoteño families ang unang nakatanggap ng kanilang P5,000 cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) noong October 2021.

 

 

Sinabi rin niya na ibibigay ng Pamahalaang Lingsod nang maaga ang P3,000 na dapat matatanggap ng 1,881 family-beneficiaries, na validated noong December 2021, bilang bahagi ng kanilang SAP second tranche.

 

 

“We learned that these beneficiaries will only get P5,000, not P8,000 as originally intended for the SAP second tranche,” ani Tiangco, nauukol sa ilalim ng DSWD-NCR na tinalakay din sa online meeting kasama ang mga kinatawan ng nasabing ahesya.

 

 

Sinabi ng DSWD na ang mga hindi nabayarang kwalipikadong benepisyaryo ng SAP second tranche at ang mga nakatanggap ng kanilang paunang payout noong Oktober 2021 ay pinapayagan lamang ng maximum na P5,000 subsidy sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

 

 

October noong nakaraang taon, 2,939 Navoteño SAP second tranche beneficiaries ang nakatanggap ng P5,000 sa ilalim ng AICS program ng DSWD. Kinakailangan kunin ng departamento ang pondo mula sa isa pang programa habang ang Bayanihan to Heal as One Act ay nag-expire na noong 2020.

 

 

Ngayong taon, 1,881 benepisyaryo na sumailalim sa validation noong December 21-23, 2021 at nakumpirmang hindi pa nila natatanggap ang kanilang second tranche ay parehong makakakuha ng parehong halaga sa ilalim ng AICS.

 

 

Gayunman, ang pagbabayad ay kailangang maghintay hanggang sa mailabas ang P2 bilyong budget para sa AICS. (Richard Mesa)

Other News
  • Martin ‘di makakalaro sa Gilas sa World Cup

    Malabong makalaro si Fil-Am guard Remy Martin para sa Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas.     Ito ang inihayag ni Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) assistant exe­cutive director Butch An­tonio dahil pa rin sa patakarang ipinatutupad ng FIBA.     Base sa rules and regulations ng FIBA, kailangang nakakuha […]

  • Mga netizen iba-iba reaksyon kay Laure

    MAGKAKAIBA ang opinyon ng mga netizen sa social media matapos ibunyag nina University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball star Ennajie ‘EJ Laure ng University of Santo Tomas  Golden Tigresses  at actor-dancer Rogel Kyle ‘Bugoy’ Cariño, Jr. ang kanilang anak.   Isang pagbati ang pinost ng 23-anyos at may taas na 5-9 […]

  • Pinay figure skater wagi ng gintong medalya sa 2022 Asian Open Figure Skating Trophy

    Nagwagi ng gintong medalya ang Filipina figure skater Sofia Frank sa Asian Open Figure Skating Trophy.     Naganap ang nasabing torneo sa Indonesia kung saan mayroong kabuuang points ito na 143.97.     Nakakuha ito ng 50.19 points sa Short Program at 93.78 naman sa Free Skating.     Nasa pang-pitong puwesto naman ang […]