• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navotas Mayor-elect pushes SMC megaproject

TINIYAK ni Navotas City mayor-elect Congressman John Rey Tiangco na mas maraming Navotenos ang makikinabang sa usapin sa trabaho mula sa mega-project ng San Miguel Corporation (SMC) na kinasasangkutan ng integrated expressway patungo sa new international airport sa Bulacan, Bulacan.

 

 

Ani Tiangco, ang city council ay nagpasa na ng isang ordinansa bilang pag-asam ng mega project na nag-uutos sa lahat ng mga negosyo sa lugar na kumuha ng mga residente na bubuo ng 70 percent ng kanilang mga manggagawa.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Cong. Tiangco at ng kanyang kapatid na si Congressman-elect Mayor Toby Tiangco na may 343 hectares ng palaisdaan ang natambakan na para bigyan-daan ang construction ng megaproject, partikular na ang Tanza Airport Support Services na itatayo ng SMC.

 

 

“The Navotas Coastal Development (NDC) and the Tanza Airport Support Services will bring diverse opportunities for Navoteños. To prepare for this, we passed the ordinance that require new businesses in Navotas to hire at least 70 percent of its workforce from bonafide residents of the city,” ani Mayor Toby.

 

 

Sinabi pa ng Tiangco brothers na ang NavoTAAS Institute ay nag-alok din ng technical-vocational courses na nag-uugnay sa mga pangangailangan ng umuusbong na industriya.

 

 

Dagdag pa ng magkapatid na itatampok din ng SMC project ang pinakamalaking socialized housing kung saan makikinabang ang humigi’t kumulang sa 3, 500 families.

 

 

“We thank San Miguel Corporation for their trust and confidence in bringing in this big project and acceding to our request to include our biggest in-city housing,” pahayag ni Cong. Tiangco.

 

 

Ang lokal na pamahalaan ay magkakaroon ng kabuuang 7,167 housing units kapag natapos na ang proyektong ito, anila.

 

 

“They have been planning and preparing for this multi-billion peso mega-project, which will be built with the city government spending no single centavo, for years now,” dagdag ni Cong. JRT. (Richard Mesa)

Other News
  • Blue Eagles susukatin ang Falcons; Archers haharap sa Tamaraws

    PUNTIRYA ng nag­de­de­pen­­sang Ateneo at La Salle na mapanatiling malinis ang rekord sa pagharap sa magkahiwalay na karibal sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.     Aarangkada ang Blue Eagles laban sa Adamson Falcons ngayong alas-10 ng umaga, habang titipanin ng Green Archers ang Far Eastern […]

  • 7-araw na tigil pasada, ikinakasa ng ilang transport group

    IKINAKASA ngayon ng ilang transport group ang isang linggong tigil pasada o pitong araw sa buwan ng Marso asais- hanggang a-dose para sa mga UV express at mga traditional jeepney sa bansa.     Ito pa rin ay bilang pagtutol sa inilabas ng Land transportation franchising and regulatory Board na memorandum circular 2023-013 sa Public […]

  • Simula na ng pag-akyat ng Filipinas sa world stage

    ANG pagkopo sa titulo ng 2022 Asean Football Federation Women’s Championship ay simula pa lamang ng pag-akyat ng Philippine women’s national football team sa world stage.     Blinangka ng Filipinas ang four-time AFF champions na Thailand, 3-0, sa finals sa harap ng higit sa 8,000 fans kamakalawa ng gabi sa Rizal Memorial Football Stadium. […]