• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS NAGBIGAY NG P6K INCENTIVE SA BARANGAY HEALTH WORKERS

NAGBIGAY ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas ng P6,000 service recognition incentive sa lahat ng barangay health workers sa lungsod na patuloy ginagampanan ang kanilang trabaho sa panahon ng pandemic.

 

 

Sa ilalim ng City Ordinance 2021-52, 193 Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ang nakatanggap ng one-time financial assistance.

 

 

“Ang aming barangay health workers ay nanguna rin sa aming paglaban sa COVID-19, na ipagsapalaran ang kanilang buhay habang pinangangalagaan kami. Nais naming kilalanin ang kanilang mga sakripisyo at ipakita ang aming pasasalamat sa kanilang walang pag-iimbot na serbisyo sa mga Navoteño,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“Ang cash incentive na kahit kaunti kumpara sa kanilang mga sakripisyo, ay aming paraan ng pagkilala at pagbibigay ng gantimpala sa kanilang matatag na serbisyo,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Other News
  • THE GOOD, THE BAD AND THE MIGHTY: WHO’S WHO IN “BLACK ADAM”

    A new era in the DC Universe has begun with the introduction of Black Adam and The Justice Society in Warner Bros.’ epic superhero adventure “Black Adam,” smashing in cinemas and IMAX across the Philippines starting October 19.       [Watch the film’s newest trailer at https://youtu.be/MgSTfFxO88o]     Get to know these fan-favorite characters as […]

  • 6 Para athletes may tsansa sa unang Paralympic gold—Agustin

    Kahit sino sa anim na national para athletes ay may pag-asang makamit ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Paralympics sa Tokyo, Japan.     Ito ang paniniwala ni Philippine Sports Commissioner Arnold Agustin kina swimmers Ernie Gawilan at Gary Bejino, taekwondo jin Allain Ganapin, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, discus thrower Jeanette Aceveda at powerlifter […]

  • QUEZON CITY LOCAL GOVERNMENT UNIT MULING PINARANGALAN

    PINARANGALANG muli ng Seal of Local Good Governance bilang Distinguished Local Government Unit ang Quezon City mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).     Alinsunod sa Republic Act 11292 o ‘The Seal of Good Local Governance Act of 2019’ na nagbibigay pagkilala sa mga Local Government Unit na may masinop at […]