NAVOTAS NAGSAGAWA NG MEGA JOB FAIR, NAMAHAGI NG CASH ASSISTANCE
- Published on July 3, 2024
- by @peoplesbalita
BILANG bahagi ng ika-17th cityhood anniversary celebration, ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay nag-alok ng job opportunities, support small businesses, at nagbigay ng essential relief sa mga apektado ng kalamidad.
Itinampok sa Mega Job Fair, na inorganisa ng City Public Employment Service Office (PESO), ang 50 partner companies na nag-aalok ng mahigit 6,000 job opportunities sa iba’t-ibang industriya.
Mahigit 300 Navoteños ang nag-aplay para sa mga trabaho kung saan 212 individuals ang hired on the spot.
Ang aktibidad ay nagsilbi rin bilang one-stop-shop para sa mga nangangailangan ng serbisyo mula sa government agencies tulad ng Philippine Statistics Authority, Pag-IBIG, Social Security System, at PhilHealth.
Samantala, nasa 250 families ang nakatanggap ng tulong pinansyal para matulungan silang makabangon at muling makatayo matapos ang insidente ng sunog sa Brgys. San Roque, Navotas West, Bagumbayan North, at North Bay Boulevard North.
Habang 120 Livelihood Package at 122 Tulong Puhunan grantees ang nakakuha ng suportang pinansyal para mapalago ang kanilang maliliit na negosyo.
Muling pinagtibay ni Mayor John Rey Taingco ang dedikasyon ng lungsod sa patuloy na suporta para sa employment and livelihood assistance programs.
“We are committed to creating opportunities for employment and livelihood for every Navoteño,” aniya.
“We also offer programs to enhance the knowledge and skills of our residents, ensuring they are well-equipped to thrive in their chosen fields and achieve their full potential,” dagdag niya.
Ang Navotas, sa pamamagitan ng NavotaAs Hanapbuhay Center and PESO, ay regular na nagsasagawa ng NegoSeminars para sa Navoteños na gustong magsimula ng kanilang sariling negosyo at in-house job interviews, gayundin ang pre-employment seminars for jobseekers. (Richard Mesa)
-
13 years na silang masayang magkasama: SOLENN at NICO, nag-celebrate na ng 8th wedding anniversary
NAG-CELEBRATE ng kanilang 8th wedding anniversary ang celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Nag-share ng photo nila ni Nico si Solenn via Instagram na may caption na: “4 years of dating, 1 year engaged, 8 years married. After 13 years, you still make me laugh, put effort into our everyday life, […]
-
NCR mananatili sa GCQ – Duterte
INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City. Sa public address ng Pangulo ay nauna nang binasa ni Health Secretary Francisco Duque ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na klasipikasyon ng quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa na inulit naman ng Chief Executive. “Ang […]
-
James kinampihan ang ‘Pinas
MALINAW para kay Philippine Basketball Association ( PBA) rookie aspirant James Laput ang kanyang kinampihan sa naganap na International Basketball Association (FIBA) basketbrawl ng Gilas Pilipinas at Australian Boomers noong Hulyo 2018 sa Philippine Arena sa Bulacan. Isang Pilipino-Australian na ipinangak at lumaki sa Perth ng Down Under mula sa mga magulang na […]