Navotas nakapagbakuna na ng 101% kontra polio
- Published on May 10, 2024
- by @peoplesbalita
NAKAPAGBAKUNA na ang Navotas ng aabot sa 101 porsiyento ng target na populasyon nito para sa Chikiting Ligtas 2024, ang nationwide bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (bOPV-SIA) na pinangunahan ng Department of Health.
Ang Navotas ang kauna-unahan sa mga lungsod sa CAMANAVA ang nakaabot na sa target nito kung saan nakapagtala ang City Health Office ng kabuuang 16,062 mga bata na nabakunahan laban sa polio sa lungsod.
Sa bilang na ito, 661 na bata ang 0-23 buwang gulang, habang 15,401 ay 24-59 buwang gulang. Ang mga batang ito ay naka-target para sa pagbabakuna pagkatapos mawalan ng ilang dosis o hindi makatanggap ng anumang dosis sa nakaraang taon.
Hinikayat ni Mayor John Rey Tiangco ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa poliovirus, na isang potensyal na nakakapanghinang sakit na nakakaapekto sa spinal cord at mga kalamnan. Ito ay lalong mapanganib para sa mga batang limang taong gulang pababa.
“The polio vaccine is safe and effective. Let us ensure that our children are protected from vaccine-preventable diseases by making sure that their immunization is updated,” ani Tiangco.
Sa kasalukuyan ay wala pang alam na gamot para sa polio at ang pagbabakuna ay ang tanging epektibong paraan upang maiwasan ang posibilidad ng isang outbreak.
Ang kampanyang Chikiting Ligtas ay magpapatuloy hanggang Mayo 15, 2024. Ang regular na pagbabakuna ay patuloy ding makukuha sa mga health centers sa lungsod. (Richard Mesa)
-
16-anyos na figure skaters kabilang sa nasawi sa banggaan ng eroplano at helicopter sa US
KABILANG kanilang ina at dalawang Russian coaches sa mga pasaherong nakassaky ng eoplanong bumagsak malapit sa ilog sa Washington DC. Kinilala ang mga skaters na sina Spencer Lane at Jinna Hahn, kasama ang mga ina nila na sina Christine Lane at Jin Hahn. Maging ang dalawang dating world-champion skaters at coaches ng dalawa na sina Yevgenia […]
-
DOH: ‘TB cases posibleng lumala dahil sa tinapyas na alokasyon sa 2021 budget’
AMINADO ang Department of Health (DOH) na mas malaking banta ang kapalit nang tinapyas na pondo sa National Tuberculosis (TB) Control Program ng ahensya sa susunod na taon. “Sa kabila ng mataas na bud- get utilization ng programa sa taong 2019 (99%) at 2020 (96%), Php 502,835,000.00 lamang ang naapprubahan na budget para sa […]
-
P10 BILLION KAILANGANG GAMITIN NG DSWD -MALAKANYANG
SINABI ng Malakanyang na dapat gamitin ng Department of Social Welfare and Development ang natitirang P10 billion sa ilalim ng COVID-19 emergency cash assistance program para tulungan ang mga mahihirap na sambahayan at vulnerable sectors. “Dahil ‘yan po ay naibigay na ng Kongreso, kung pupuwede nga ay ibigay pa ‘yan doon sa mga pamilya […]