• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS NAMAHAGI NA NG ECQ CASH AID

Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng pamamahagi ng financial assistance sa kanilang constituents na lubos naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ).

 

 

Base sa payroll ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP), ang Navotas ay may 27,905 beneficiaries.

 

 

Ang masterlist para sa iba pang beneficiary groups kabilang ang mga waitlisted para sa SAP, solo parents, persons with disability, at iba pang nasa pa rin ng deduplication process.

 

 

“For this week, we intend to distribute the P1,000-P4,000 cash aid to 10,309 Navoteño families. We have set up five distribution venues to ensure that everyone will be accommodated and served promptly,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“We have posted in our social media account the partial list of beneficiaries in the masterlist. We will also post regular updates on how many have received their cash assistance,” dagdag niya.

 

 

Ang unang batch ng mg tatanggap ng cash aid ay kinabibilangan ng mga residente ng barangays Bagumbayan North at South, Bangkulasi, Navotas East at West, San Jose, San Roque, Tanza 1 at Tanza 2.

 

 

Nasa P119,871,000 ang tinanggap ng Navotas mula sa national government para sa financial assistance program. (Richard Mesa)

Other News
  • Nurses sa Pinas mauubos na – DOH

    MALAKI ang posibilidad na maubos na ang mga nurses na nagtatrabaho sa Pilipinas kung hindi maaampat ang patuloy na pag-alis nila patungo sa ibang bansa dahil sa mas malaking pasuweldo.     “I saw the figures, mas marami ‘yung umaalis kesa sa napo-produce natin [more nurses are leaving than what we are producing]. In a […]

  • Ang laki ng pasasalamat sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’: SANYA, nagkaroon ng pambayad sa bahay at nakabili rin ng lupa

    STARTING tonight, July 29, muling panoorin ang modern fairytale nina President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) and Nanny Melody Reyes (Sanya Lopez), ang top-rating romantic comedy series na “The First Nanny” sa Netflix Philippines, produced by GMA Entertainment Group.     Nagbahagi naman si Sanya nang ma-interview siya tungkol sa pagpapalabas ng “The First Nanny” sa […]

  • PBBM, nababahala sa posibleng service delays kung babawiin ang prangkisa ng NGCP

    NAGPAHAYAG ng pangamba si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa epekto ng situwasyon ng power supply kung ang prangkisa ng  privately owned National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay mapawawalang-bisa.     Ayon kay Pangulong Marcos,  maaaring mahirapan na makahanap ng kapalit para sa power grid operator, posibleng maging dahilan ng service disruptions.   […]