• April 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navotas, namahagi ng NavoPasko hams

SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang taunang pamamahagi ng NavoPasko hams sa bawat pamilyang Navoteño.

 

 

 

May 84,598 hams ang ibibigay sa mga pamilyang Navoteño na naninirahan sa lungsod hanggang Disyembre 21, 2024, bilang bahagi ng pangako ng lungsod sa pagpapalaganap ng saya at holiday cheer ngayong Kapaskuhan.

 

Kasama ang kanyang mga anak, pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang kickoff ng pamamahagi, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtiyak na mararamdaman ng bawat pamilya ang init ng kapaskuhan.

 

“Ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan. Ang ating taunang NavoPasko ham distribution ay isang simpleng paraan ng pamahalaan para ipadama sa bawat Navoteño na sila ay mahalaga at bahagi ng ating pamilya dito sa Navotas,” ani Mayor Tiangco.

 

Ang proseso ng pamamahagi ay inayos upang matiyak ang kahusayan at accessibility. Pinapayuhan ang mga residente na maingat na sundin ang mga pamamaraan at kinakailangan batay sa katayuan ng pag-verify ng NavoRehistro ng kani-kanilang barangay:

 

“We encourage all Navoteños to follow the procedures set for their barangays to ensure a smooth and organized distribution. Sama-sama po nating ipagdiwang ang diwa ng Pasko sa ating mahal na lungsod,” dagdag niya.

 

Para sa updates at iskedyul, pinapayuhan ang mga residente na sundan ang Navoteno Ako-Public Information Office Facebook page at iba pang opisyal na social media platform ng Pamahalaang Lungsod. (Richard Mesa)

Other News
  • Damang-dama pa rin ang pagtatangap sa kanila: JOLINA, aminadong kinikilig pa rin sa loveteam nila ni MARVIN

    SA halos tatlong dekada na nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa showbiz, natanong ang actress/singer/TV host kung bakit hanggang ngayon ay damang-dama pa rin ang init ng pagmamahal ng publiko sa tandem nilang MarJo? “Ako siguro dahil hindi namin binitiwan yung mga nagsu-support sa amin, yung mga nagmamahal sa amin,” sambit niya. “Na talaga namang […]

  • Ads October 22, 2021

  • 8,773 bagong COVID-19 cases naitala ng DOH, ika-2 ‘all time high’ this week

    Nakapagtala ang Department of Health ng 8,773 bagong infection ng coronavirus disease ngayong Huwebes, kung kaya nasa 693,048 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.     Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:   lahat ng kaso: 693,048 nagpapagaling […]