• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS NANGUNA SA MANILA BAY REHAB PROGRAM

Tumanggap ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas matapos itong manguna sa pagpapatupad ng Manila Bay Clean up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP).

 

 

Sa iskor na 96.7%, tinanghal ang Navotas na 2020 Most Compliant Local Government Unit sa pagpapatupad ng Korte Suprema na patuloy na mandamus sa pagpapanatili ng kalinisan sa Manila Bay.

 

 

“In the past years, Navotas scored low in the MBCRPP. We strived to rework our priorities, strengthen our partnership with environmental organizations and agencies, and establish institutional changes to ensure that we will not just be compliant but committed in the rehabilitation of Manila Bay,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Nakakuha ang Navotas ng 100% iskor sa parehong imformal settler families cluster at information, edukasyon at campaign. Nakakuha rin ito ng 97% sa solid waste management cluster at 92% sa liquid waste management cluster.

 

 

Kabilang sa mga priyoridad sa pag-unlad ng lungsod ay ang pagbibigay ng disenteng pabahay para sa mga nasasakupan nito, lalo na ang mga imformal settler  na mga pamilya ng naninirahan sa mga danger zones.

 

 

Bukod sa off-city resettlements ng National Housing Authority, ang Navotas ay may anim na housing projects na may 2,595 units.

 

 

Nakipagtulungan din ang lungsod sa Mother Earth Foundation, na tumulong sa pagtaguyod nito ng isang phased, low-cost at community-centered zero waste program.

 

 

Nauna rito, pangatlo ang Navotas sa Gawad Taga-Ilog: Search for the Most Improved Estero sa Metro Manila para sa entry nito, ang Bangkulasi River. (Richard Mesa)

Other News
  • Navotas nagbigay ng mga computers, 200K cash sa mga guro

    Nagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga computers at gave away na P200,000 cash prizes sa mga public at private school teachers sa selebrasyon ng Navotas Teachers Day.   Nasa 123 master teachers ang nakatanggap ng laptop computers at 24 public elementary at high schools naman ang nakakuha bawat isa ng desktop unit each. […]

  • Ayuda sa seniors, PWDs dapat gawing P1K

    NANGAKO ang ACT-CIS Partylist na tatrabahuhin ng kanilang grupo na madagdagan ang ayuda para sa mga indigent senior citizens sa bansa.     Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap, “sa kasalukuyan, P500 lang ang natatanggap na ayuda buwan-buwan ng mga indigent senior citizens natin at PWD.”     Ang budget ay nanggagaling sa Department of […]

  • Acting Sec. Chua, ganap ng Kalihim ng NEDA

    KINUMPIRMA ng Malakanyang ang opisyal na pagkakahirang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Karl Kendrick Chua bilang Kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA).   Si Secretary Chua sa Duterte Administration na may propesyonalismo, kakayanan at integridad bilang Undersecretary ng Department of Finance at Acting Secretary ng NEDA.   “With the aforesaid traits we […]