Navotas nanguna sa may pinakamataas na ADAR
- Published on August 17, 2021
- by @peoplesbalita
“Ito ang No. 1 na di natin gugustuhin”, Ang naging pahayag ni Mayor Toby Tiangco matapos manguna ang Lungsod ng Navotas sa may pinakamataas na Average Daily Attack Rate (ADAR) sa buong bansa simula Agosto 7 hanggang13, 2021.
Base sa pinakahuling ulat ng OCTA Research, 215% ang itinaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod. 41 ang average daily case noon, ngayon, ay 129 na.
“Dati, tayo ang may pinaka-mababang ADAR sa buong Metro Manila. Kung nakaya nating pababain ang mga kaso noon, sigurado akong kaya din natin ngayon”, ani Mayor Toby.
“Marami na tayong mga kapamilya, kaibigan o kakilala na nagkasakit o namatay dahil sa COVID-19. Wag nating hayaan na may madagdag pa rito”, dagdag niya.
Paalala ng alkalde sa mga Navoteño na palaging sumunod sa safety health protocols sa pamamagitan ng tamang pagsuot ng face mask para malabanan ang salot na COVID-19.
“Magpabakuna para magkaroon ng proteksyon. Kapag walang nahahawaan, namamatay ang virus. Wag itong hayaang makapaminsala pa ng buhay at kabuhayan”, pahayag niya. (Richard Mesa)
-
Gobyerno uutang ng P1.6 trilyong pandagdag sa 2023 budget
UUTANG ng P1.6 trilyon ang gobyerno para mabuo ang panukalang P5.268 trilyon na pambansang budget sa susunod na taon. Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance matapos tanungin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kung paano popondohan ang panukalang budget para sa 2023. Ayon kay […]
-
83 milyong pa lang ng SIM cards ang narerehistro
INIULAT ng National Telecommunications Commission (NTC) na umaabot pa lamang sa halos 83 milyon ang mga SIM cards na nairehistro na sa ilalim ng SIM Card Registration Act. Ito ay ilang araw na lamang bago ang deadline ng rehistro sa Abril 26, 2023. Hanggang nitong Abril 23, 2023, nasa 82,845,397 na […]
-
Blue Eagles susukatin ang Falcons; Archers haharap sa Tamaraws
PUNTIRYA ng nagdedepensang Ateneo at La Salle na mapanatiling malinis ang rekord sa pagharap sa magkahiwalay na karibal sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Aarangkada ang Blue Eagles laban sa Adamson Falcons ngayong alas-10 ng umaga, habang titipanin ng Green Archers ang Far Eastern […]