NAVOTAS OUTSTANDING FISHERFOLK, PINARANGALAN
- Published on January 12, 2024
- by @peoplesbalita
BILANG bahagi ng 118th Navotas Day celebration, pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang Top 10 Most Outstanding Fisherfolk sa taunang pagdiriwang ng Araw ng mga Mangingisda.
Tinanghal na Most Outstanding Fisherfolk si Orlando Dela Cruz mula sa Barangay Tangos South. Siya at ang iba pang mga awardees ay nakatanggap ng plaque of recognition, cash prizes, at NavotaAs Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship grants para sa isa sa kanilang mga miyembro ng pamilya.
Upang maging kuwalipikado sa Top 10 Fisherfolk, dapat silang rehistradong Navoteño fisherfolk na nominado ng kani-kanilang barangay at barangay fisheries and aquatic resources management council chairpersons, mga tumatayong mamamayan ng kanilang komunidad, nang walang nakabinbin o patuloy na mga kaso o nahatulan ng anumang krimen, at dapat created milestones na karapat-dapat tularan at inspirasyon ng kapwa nila mangingisda.
Kabilang sa mga nominado si Rowena Faina mula sa Brgy. Tangos South; Hillary Encierto Jr., Brgy. Navotas West; Efren Abad, Brgy. Tangos North; Matapang na Puso, Brgy. Tanza 1; at Joseph Barlan, Brgy. Navotas Kanluran.
Ginawaran din si Teotico Taruc mula sa Brgy. Tanza 2; Angelina Abad, 20, ng Brgy. Tangos North; Patrick Apple, Brgy. Tangos South; at Analyn Letegio, Brgy. Tanza.
Samantala, ginawaran din ng Navotas ng fiberglass boats at fishing gears ang 20 rehistradong Navoteño fisherfolk sa pamamagitan ng NavoBangkabuhayan program.
Ang mga fiberglass boat ay nilagyan ng 16-horsepower marine engine, pati na rin ang fishing equipment na kinabibilangan ng underwater fittings. Nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng mga lambat, lubid, at boya.
Ang NavoBangkabuhayan ay isang inisyatiba na inilunsad noong 2018 upang tulungan ang mga lokal na mangingisda na magkaroon ng access sa pagpapanatili ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kanilang sariling mga bangkang pangisda.
“Fisheries is the pillar of our city. Navotas would not have reached its current success if not for its hardworking fisherfolk,” ani Mayor John Rey Tiangco.
Bukod sa pagkilala sa mga natatanging mangingisda at NavoBangka turnover, ang Araw ng Mangingisda ay nagtatampok din ng mga kompetisyon sa karera ng bangka at net mending. (Richard Mesa)
-
Jennifer Lopez, Shares Her Superstar Character and Her First OST Album
MARRY Me is your Pre-Valentine cinematic eye & ear-candy that pop in Philippines cinemas, now showing from Universal Pictures International. Two total and completely opposite strangers agree to marry and get to know each other in Marry Me, starring Jennifer Lopez and Owen Wilson. But as forces conspire to separate them, the […]
-
‘Di lang napayagan dahil sa 10-year contract sa Dos: LIZA, lumalabas na inoperang mag-audition bilang Mary Jane sa ‘Spiderman: Homecoming’
PINAG-UUSAPAN ngayon ang ni-reveal ng Korean-American businessman na Jeffrey Oh tungkol sa controversial actress na si Liza Soberano. Ibinulgar nga ng business partner ni James Reid sa ginanap na 2nd Philippine Creative Industries Summit na mayroon daw offer noon kay Liza na mag-audition para sa character ni Mary Jane sa Marvel blockbuster movie […]
-
Higit P.2M marijuana, nasabat sa HVI drug suspect sa Valenzuela
ISANG drug suspect na itinuturing High Value Individual (HVI) ang timbog matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng marijuana nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban […]