Navotas pangalawa sa pinakamababang COVID attack rate sa NCR
- Published on October 26, 2020
- by @peoplesbalita
NAKAMIT ng Navotas ang pangalawang pinakamababang ranking sa daily attack rate ng Coronavirus Disease 2019 sa mga local government unit sa Metro Manila.
Ayon sa OCTA Research group, ang Navotas ay dumausdos sa pangalawang puwesto mula sa 14 th place na may attack rate na 4.9 percent bawat 1,000 populasyon.
Inihambing sa pag-aaral ang datos na nakalap mula Setyembre 20 hanggang Oktubre 3 at Setyembre 27 hanggang Oktubre 10. Ang isang mas mataas na attack rate ay nangangahulugang maraming mga tao ang nahahawa sa virus.
“Ito ay nagsisilbing patunay na lahat ng aming pagsisikap upang mapanatiling ligtas ang aming mga nasasakupan mula sa COVID-19. Gayunpaman, kailangan nating manatiling mapagbantay at mag-ingat. Hindi namin maaaring pabayaan ang aming pagbabantay dahil ang mga kaso ay maaaring tumaas anumang oras,” ani Mayor Toby Tiangco said.
Samantala, tinanggap ni Cong. John Rey Tiangco ang 290,135 face masks mula kay Department of Social Welfare and Develop- ment (DSWD) Undersecretary Rene Glen Paje bilang bahagi ng “Libreng Masks Para sa Bayan” na programa ng DSWD.
May nauna nang 4,000 masks na ibinigay ang DSWD noong bumisita ang Coordinated Op- erations to Defeat Epidemic (CODE) team sa Navotas noong Setyembre. Ang mga mask ay ipamamahagi sa mga mahihirap na pamilyang Navoteño. (Richard Mesa)
-
Suplay ng pagkain sa bansa, kaya pang tumagal ng tatlong buwan- Malakanyang
SINIGURO ng Malakanyang na aabot pa ng tatlong buwan ang food suppy ng bansa hanggang sa gitna ng naging pinsala ng mga nagdaang bagyo na sumira sa maraming sinasakang lupain. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa 90 araw ang kayang itagal pa ng supply na pagkain as of November 12. Ayon kay […]
-
PBBM, nakatakdang makipag-usap kay ex-Sen. De Lima matapos ma-hostage ang senadora
KASUNOD ng pangho-hostage kay dating Sen. Leila de Lima, inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na nakatakda itong makipag-usap sa senadora. Tatanungin daw ni Marcos sa senadora kung gusto nitong mailipat sa ibang detention center. Kasunod nito, inatasan din ng Pangulong Marcos ang mga otoridad sa Camp Crame na magpatupad ng […]
-
COA, pinuna ang DOH sa ₱3B na hindi nagamit na COVID-19 response funds
PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang Department of Health (DOH) dahil sa hindi nagamit na ₱3-billion unobligated funds para sa pangagasiwa sana at pagtugon sa COVID-19 pandemic noong 2022. “Of the ₱3.055-billion unobligated funds, ₱2.414 billion lapsed and was reverted to the Bureau of Treasury,” ayon sa komisyon. Ang lapsed […]