• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS TINANGGAP ANG 145 BAGONG ATHLETIC SCHOLARS

NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng scholarship sa may 145 Navoteño elementary at high school students na mahuhusay sa sports.

 

 

 

 

Kabilang sa mga bagong scholars ang 38 Navotas Division Palaro champions sa athletics, 24 sa swimming, 21 sa taekwondo, 18 sa arnis, at 16 sa badminton.

 

 

 

 

Kasama rin ang 11 medalists sa table tennis, 10 sa pencak silat, seven sa chess, at siyam sa arnis.

 

 

 

 

Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Navotas Schools Division Office Superintendent Dr. Meliton P. Zurbano, mga scholars, at kanilang mga magulang o guardians, ang memorandum of agreement para sa NavotaAs Athletic Scholarship Program.

 

 

 

 

“This achievement is a testament to your perseverance and dedication in your chosen sports. I encourage you to continue honing your skills and talents, and at the same time, strive hard in your studies to maintain your grades,” ani Mayor Tiangco.

 

 

 

 

Ang mga athletic scholars ay tatanggap ng P16,500 transportation at food allowance, at P1,500 para sa kanilang uniform at mga gamit kada scholarship term.

 

 

 

 

Makakakuha din sila ng libreng training sa mga coaches na kinuha ng pamahalaang lungsod at tulong sa pagsali sa mga kompetisyon.

 

 

 

 

Ang kanilang scholarship ay maaaring i-renew taun-taon kung sila ay manalo ng hindi bababa sa ikatlong puwesto o katumbas nito sa anumang regional o national sports competitions, dumalo sa lahat ng kailangan at nakatakdang pagsasanay at mapanatili ang kanilang mga grado sa paaralan.

 

 

 

 

“Your success is the success of the entire Navotas community. Keep striving and dreaming. With your determination, you can achieve your dreams,” dagdag ni Tiangco.

 

 

 

 

Ang pamahalaang lungsod ay nagbibigay din scholarships sa mga estudyante na nagpapakita ng outstanding academic performance at artistic talent, at sa mga anal o mga kaanak ng Top Ten Most Outstanding Fisherfolk.

 

 

 

 

Bahagi ang MOA signing ceremony ng pagdiriwang ng ika-17th Navotas cityhood anniversary. (Richard Mesa)

Other News
  • SMB niresbakan ang Meralco

    NAGPASABOG si import Shabazz Muhammad ng 57 points para ibangon ang San Miguel mula sa 26-point deficit at balikan ang Meralco, 115-110, sa PBA Governors’ Cup  sa Smart Araneta Coliseum.     Ang ikalawang sunod na panalo ng Beermen (7-4) ang naglapit sa kanila sa inaasam na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals at inilatay sa Bolts […]

  • Netizens, super-react sa poster ng GL series nila: LOVI at JANINE, first time magsasama at kaabang-abang ang tagisan sa pag-arte

    SA IG post ni Lovi Poe last June 25, ibinahagi rin niya ang official poster ng ‘Sleep With Me’, at may caption na, “Are you ready to sleep with Luna and Harry?”     Ito ang first lesbian series ni Lovi na kung saan makakatambal niya si Janine Gutierrez.     Post naman ng aktres […]

  • PCO flagship paper Philippine Gazette nakikita ang mas malawak na maaabot sa pamamagitan ng bagong printing machine

    KAPUWA INAASAHAN ng Presidential Communications Office (PCO) at Bureau of Communications Services (BCS) na mapalalakas pa nito ang kanilang communications services sa tulong ng ide-deliver na isang unit ng brand-new two color Sakurai Oliver 226SI/SIP para sa printing capability ng bureau. “This brand-new offset will be of great help in expanding the reach of The […]