• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navotas, umayuda sa Marikina

Matapos masigurong nakauwi na sa kanilang mga bahay ang daan-daang pamilya ng Navotas City na inilikas mula sa coastals areas matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses, nagpadala naman si Mayor Toby Tiangco ng rescue team sa Marikina City.

 

Ayon kay Mayor Tiangco, ang team na mula sa kanilang Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ay mga karanasan na sa anti-disaster operations, kasama ang rescue boat at utility truck para tumulong sa pagrescue ng mga residenteng binaha sa Marikina.

 

“Dahil nasiguro na natin na ang aming mga residente na naninirahan malapit sa mga baybayin na unang nailikas bago ang pananalasa ng bagyo ay nakabalik na sa kanilang mga tahanan nang ligtas, napagpasyahan kong oras na upang matulungan naman ang iba, sa labas ng lungsod, pahayag ni Tiangco.

 

Si Mayor Tiangco at kanyang kapatid na si Rep. John Rey Tiangco ay nagsikap na magtayo ng maraming mga pumping station na umabot na ngayon ng 54 na nakaposisyon sa buong lungsod dahilan upang mapigilan ang pagbaha.

 

Pinasalamatan naman ng alkalde ang city engineering office sa pagsiguro na gumagana lahat ng 54 ‘bombastik’ pumping stations.

 

Dagdag niya, maliban sa 54 bombastik stations sa lungsod, meron din silang 3.6 kilometrong dike mula Bagumbayan North hanggang Tangos South na nagpoprotekta sa mga kabahayang nakaharap sa Manila Bay.

 

Samantala, sa katabing mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Valenzuela ay maraming mga pamilya din na apektado ng bagyo ang inilikas patungo sa mga itinalagang evacuation centers.

 

“Here in Valenzuela, we are sandwiched by two rivers – Meycauayan River and Tullahan River – and we evacuated 400 families living near these two rivers and our timely action has prevented possible casualties,” ani Mayor Gatchalian. (Richard Mesa)

Other News
  • Hall of Famers, sinala ng PSC

    INUMPISAHAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagpili sa mga ilalagak sa 2020 Philippine Sports Hall of Fame kahapon (Martes) ng umaga sa PhilSports Complex sa Pasig City.   Nangunguna sa Philippine Sports Hall of Fame (PHOF) 2020 Committee sina PSC Chairman William Ramirez bilang tagapangulo, at Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino […]

  • NBA Champion Jamal Murray, handa nang sumabak sa 2024-2025 NBA season

    HANDA nang sumabak sa bagong season si 1-time NBA champion Jamal Murray.     Kamakailan ay pumirma si Murray ng apat na taong contract extension na nagkakahalaga ng $207,845,568.     Sa media day ng Nuggets ilang linggo bago ang pagsisimula ng bagong season, sinabi ng Denver guard na naka-kondisyon na ang kaniyang katawan at […]

  • DBM, itinanggi na naantala ang benepisyo ng mga medical workers

    PINABULAANAN ng Department of Budget and Management (DBM) na naantala ang pagpapalabas ng benepisyo at allowances para sa mga healthcare at non-healthcare workers.     Sa katunayan,  nagpalabas ang DBM ng kabuuang P19.96 billion para pondohan ang public health emergency benefits at allowances para sa mga  healthcare at non-healthcare workers.     Ayon sa DBM, […]