• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magpi-PBA hindi na daraan sa D-League

HINDI na magiging batayan ng mga papasok sa 37th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 ang paglalaro sa PBA Developmental League.

 

“Tatanggalin na ‘yung application ng D-League,” pahayag kahapon ni commissioner Willie Marcial. “Wala nang pre-requisite na D-League.”

 

Kasunod ito sa paglalabas na rin ng professional hoops league ng applications para sa mga rookie hopeful, pagsasabayin na ang deadline ng submission ng application forms para sa local at foreign-born players.

 

“January 27 deadline for both local and Fil-Ams,”hirit  ni Kume.

 

Inaayos na rin ang drafting, kung paano ang sa Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc (SBPI).

 

Noong Disyembre ng nakaraang taon, nagkaroon ng Special Draft bago ang Draft proper. Ang limang hinugot sa special proceedings ay naging core muna ng pool ng Gilas Pilipinas ng SBPI– magsisilbi sila sa National team bago pumanik sa kani-kanilang mother teams sa PBA.

 

“Hindi pa natin alam kung sino ang mga papasok (sa draft),” panapos na sambit ni Marcial. “Hindi pa alam kung ‘yung mga (naunang lima) ire-release na nila. ‘Pag nakuha namin ‘yung lineup, magmi-meeting pa ulit kami.” (REC)

Other News
  • PISO na PROVISIONAL INCREASE ng PASAHE sa HALIP na TATLONG-PISO

    Balak mag-petition sa LTFRB ang ilang jeepney transport groups para sa provisional increase na P3 – tatlong-piso – sa minimum fare dahil sa napakamahal na presyo ng diesel ngayon.      Sa dating P9. pesos ay magiging P12. pesos ang singil ng minimum fare.      Dama natin ang hinaing ng mga operators at drivers […]

  • Ads March 8, 2022

  • DMW chief, hindi makahahawak ng natitirang pondo ng POEA – DBM

    PINAALALAHANAN ng  Department of Budget Management (DBM) si  Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Abdullah Mama-o  na huwag galawin at gastusin ang natitirang pondo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa  fiscal year (FY) 2022.     Giit ni DBM officer-in-charge Tina Rose Marie Canda, walang awtoridad o kapangyarihan ang  DMW na gamitin ang […]