• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nawalan ng interes si Derek Ramsey kay Andrea Torres dahil ang dalaga raw ang masyadong “naghahabol”

Nananatiling palaisipan para sa marami ang biglaang hiwalayan ng magkasintahang Derek Ramsay, 44, at Andrea Torres, 30.

 

Sweet pa sila sa isa’t isa at magkasama sa isang frame nang mag-shoot ng Christmas station I.D. ng GMA Network.

 

Pero kasabay ng pag-ere nito noong November 17 ay lumabas ang balitang break na sila.

 

Sa Instagram post ni Derek kahapon, December 6, isang netizen ang humanga sa topless photo ng hunk actor.

 

May haka-haka ang netizen na nawalan ng interes si Derek kay Andrea dahil ang dalaga raw ang masyadong “naghahabol.”

 

Sabi ng netizen (published as is), “kaya nabaliw si @andreatorres eh.

 

“Maloka loka siguro sa katawan mo kaya lang obvious na di mo sya niligawan at sya lang ang naghahabol.

 

“Nawalan ka na siguro ng challenge. Hahaha.”

 

Mariing pinabulaanan ni Derek ang espekulasyon ng netizen.

 

Sabi ni Derek (published as is), “no, man. Andrea is a decent woman.”

 

November 19 nang kumpirmahin ni Derek ang balitang hiwalay na sila ni Andrea, pero tumanggi siyang magdetalye ukol dito.

 

Ang tanging nilinaw ni Derek ay hindi thirdy party ang naging mitsa ng breakup nila ni Andrea.

 

Sabi noon ni Derek, “The breakup has happened so fast. Maybe 2 people are just not meant to be.”

 

Nangako rin si Derek na hindi niya palalampasin ang anumang paninira na maririnig ukol kay Andrea na kanya raw minahal.

 

Noong November 20, naglabas ng official statement si Andrea na nais daw niyang gawing pribado kung anuman ang dahilan ng hiwalayan nila ni Derek.

 

Lubos daw niyang pinahalagahan ang relasyon nila ng aktor kaya nais niyang panatilihin ang respeto niya sa pinagsamahan nila.

Other News
  • Tanong niya, “Lord what I have done to deserve this kind of love’: MAINE, ginawang ‘prinsesa’ ni ARJO sa sobrang pagmamahal at pag-aalaga

    LAST Sunday, August 28, after one month ng kanilang pinag-usapang engagement, sabay na nag-post ng isang nakaka-touch na video sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa kani-kanilang Instagram account.   Nilagyan nila ito ng caption na, Been a month and it still feels surreal. Me and you, what a feeling. 💍”     Mapapanood nga […]

  • Miss Mexico ANDREA MEZA, kinoronahang ‘Miss Universe 2020’; RABIYA, umabot lang sa Top 21

    SI Miss Mexico Andrea Meza ang nagwaging Miss Universe 2020.     Siya ang pangatlong Mexican beauty queen na manalo after Lupita Jones (1991) and Ximena Navarrete (2010).     Born on August 13, 1994 in Chihuahua City, nagtapos ito ng software engineering noong 2017 sa Autonomous University of Chihuahua.     Lumaban na noon […]

  • De Los Santos tuloy ang ragasa

    PATULOY sa pagkinang si karate star Orencio James (OJ) De los Santos nang madale ang ika-12 gold medal sa taong ito sa pamamayagpag sa Venice Cup 2020 #2 Virtual Tournament nito lang Miyerkoles.   Pumuntos ang 30-year-old, 5-foot-7 Cebuano Manila-based karateka ng 25.3-23.7 decision kontra kay Slovenian Nerc Sternisa sa e-kata individual male seniors final […]