• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nawalan ng interes si Derek Ramsey kay Andrea Torres dahil ang dalaga raw ang masyadong “naghahabol”

Nananatiling palaisipan para sa marami ang biglaang hiwalayan ng magkasintahang Derek Ramsay, 44, at Andrea Torres, 30.

 

Sweet pa sila sa isa’t isa at magkasama sa isang frame nang mag-shoot ng Christmas station I.D. ng GMA Network.

 

Pero kasabay ng pag-ere nito noong November 17 ay lumabas ang balitang break na sila.

 

Sa Instagram post ni Derek kahapon, December 6, isang netizen ang humanga sa topless photo ng hunk actor.

 

May haka-haka ang netizen na nawalan ng interes si Derek kay Andrea dahil ang dalaga raw ang masyadong “naghahabol.”

 

Sabi ng netizen (published as is), “kaya nabaliw si @andreatorres eh.

 

“Maloka loka siguro sa katawan mo kaya lang obvious na di mo sya niligawan at sya lang ang naghahabol.

 

“Nawalan ka na siguro ng challenge. Hahaha.”

 

Mariing pinabulaanan ni Derek ang espekulasyon ng netizen.

 

Sabi ni Derek (published as is), “no, man. Andrea is a decent woman.”

 

November 19 nang kumpirmahin ni Derek ang balitang hiwalay na sila ni Andrea, pero tumanggi siyang magdetalye ukol dito.

 

Ang tanging nilinaw ni Derek ay hindi thirdy party ang naging mitsa ng breakup nila ni Andrea.

 

Sabi noon ni Derek, “The breakup has happened so fast. Maybe 2 people are just not meant to be.”

 

Nangako rin si Derek na hindi niya palalampasin ang anumang paninira na maririnig ukol kay Andrea na kanya raw minahal.

 

Noong November 20, naglabas ng official statement si Andrea na nais daw niyang gawing pribado kung anuman ang dahilan ng hiwalayan nila ni Derek.

 

Lubos daw niyang pinahalagahan ang relasyon nila ng aktor kaya nais niyang panatilihin ang respeto niya sa pinagsamahan nila.

Other News
  • Pacquiao bilib kay Marcial

    Kabilang si eight-division world champion Manny Pacquiao sa mga nag-celebrate matapos umabante sa semifinals si Eumir Felix Marcial sa Tokyo Olympics.     Naitarak ni Marcial ang impresibong first-round knockout win kay Arman Darchinyan ng Armenia sa men’s middleweight quarterfinals kahapon sa Kokugikan Arena.     Ang panalo ang nagbigay katiyakan kay Marcial ng awtomatikong […]

  • PDu30, inaprubahan ng fourfold increase” ang importasyon ng baboy para idagdag sa kakulangan ng local supply dahil sa ASF outbreaks

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng “fourfold increase” ang importasyon ng baboy para idagdag sa kakulangan ng local supply dahil sa African swine fever outbreaks.   Ito’y base sa dokumento na ipinalabas ng Malakanyang.   “Fatal to hogs but not to humans, the ASF has spread to 437 municipalities and reduced the country’s swine […]

  • LIBRENG MASS TESTING PINAPAOBLIGA SA SC

    PINAPAOBLIGA ng 11 indibidwal sa Supreme Court (SC)  ang gobyerno na magpatupad ng libreng mass testing sa COVID19. Sa pamamagitan ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), hiniling ng mga petisyuner na palakasin ang contact tracing ,mabilisang pag contain ng virus at i-improve ang laboratory testing capacity. “The omission of proactive and efficient mass testing […]