• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nawawalang batang lalaki lumutang sa daluyan ng tubig sa Malabon

LABIS ang pagdadalamhati ngayon ng mga magulang ng 11-anyos na batang lalaki matapos matagpuan nakalutang sa maruming daluyan ng tubig ang bangkay ng bata sa Malabon City, Huwebes ng hapon.

 

 

Halos pagsakluban ng langit at lupa ang 28-anyos na ina ng biktimang si alyas “Prince” residente ng St. Gregory Homes (NHA) Brgy Panghulo nang ipabatid sa kanila ang pagkakatagpo sa lumutang na  bangkay ng panganay sa tatlong  anak dakong alas-2:20 ng hapon sa maruming ilog sa Panghulo Road, Brgy. Panghulo.

 

 

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nadiskubre nina Fernando Sañie, 35, at Rolly Dela Cruz, 43, kapuwa residente sa naturang barangay, ang bangkay ng biktima na walang saplot pang-itaas na kaagad nilang ipinagbigay-alam sa barangay.

 

 

Napag-alaman na kararating lang mula sa pinapasukang paaralan si Prince Huwebes ng tanghali nang magpaalam sa ina na lalabas lang dakong alas-2 ng hapon matapos kumain ng tanghalian at maligo na madalas namang ginagawa umano ng bata.

 

 

Sa post ng kanyang ina sa social media, pinakagabi na aniya ang 7:30 p.m. ang pag-uwi sa bahay ng anak kaya labis na ang kanilang pagkabahala ng lagpas na sa naturang oras ay hindi pa bumabalik ang anak.

 

 

Sa social media rin idinaan ng ina ni Prince ang paghingi ng hustisya sa pagkamatay ng anak na palatandaang may pagdududa sila na may foul play sa pagkamatay ng anak. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagpapatupad ng PhilHealth premium hike, apektado ang sahod ng mga guro

    IPINANAWAGAN ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang apela ng mga guro na suspindihin ang PhilHealth premium hike na lubos na nakaapekto sa sahod ng mga teachers.     “We strongly urge the suspension of the PhilHealth premium hike amid the soaring prices of basic goods, commodities and services. The hike […]

  • Fixed salary at iba pang benepisyo para sa opisyal ng barangay

    BILANG  pagkilala na rin sa importansiya ng barangay sa local governance, ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang paglalaan ng fixed salaries at iba pang benepisyo na nakukuha ng mga regular government employees sa mga opisyal ng barangay.     Ayon kay Duterte, ang barangay ang nagsisilbing takbuhan ng publiko para resolbahan ang ilang […]

  • PBBM tiniyak ang mas maayos at modernong transportasyon sa bansa

    SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino ang mas maayos at modernong transportasyon at ginagawa ng kaniyang administrasyon ang mga nararapat na hakbang upang makamit ang layuning ito.     Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng dumalo ito sa paglagda ng loan agreement para sa Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP) kahapon sa […]